^

Pang Movies

Iyo ang Tondo, akin ang cavite puwedeng i-remake

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Iyo ang Tondo, akin ang cavite puwedeng i-remake
Luigi, Bryan, & Jolo

Balik-limelight na ang Imus Production na ilang dekada ring namahinga bilang isa sa mga gumagawa ng action movies.

Si Don Ramon Revilla ang producer at may-ari ng Imus Production, na sobrang nakipagsabayan noon sa ilang mga naglalakihang movie makers tulad ng Sampaguita Pictures, LVN Pictures, Lebran Production, Tagalog Ilang Ilang Production, Premier Production at iba pa.

Nag-artista muna si Don Ramon at isa siya sa mga sikat na action star at nakalabas na siya sa mga nabanggit na moviemaker.

Buwena-mano sa kanilang pagbabalik ang Tres na nakatakdang ipalabas sa October 3. 

Pagbibidahan ito nina Jolo, Bryan, at Luigi Revilla sa mga episode na 72 Hours, Virgo, at Amats.

Grabe, wala kaming masabi kung kakisigan at kapogian ang pag-uusapan. Puro Bong Revilla look-a-alike sila. Naisip tuloy namin na sana i-remake ng Imus Production ang pelikulang  Iyo Ang Tondo, Akin Ang Cavite. Ang ganda ng said movie, bakbakan at action na makatotohanan ang ipinakikita, napanood namin ‘yan sa dalawang magagaling sa action stars na sina Bong Revilla at Fernando Poe Jr.

Pwedeng gumanap dito sina Bryan at Luigi. Bagay sa kanila ang role kung iri-remake ang pelikula. Maganda rin ang pelikula na Alyas Pogi, Ang Pagbabalik na tinampukan ni Bong Revilla, Ton Ton Gutierrez, Archie Alemania, at Ara Mina.

Ken nakakalito...

Nakakalitong panoorin si Ken Chan sa noontime series ng GMA na My Special Tatay.

Sa totoo lang, magaling na artista si Ken, kaya lang madadala ka sa kanyang role sa said series kung saan gumaganap siyang mentally challenged na nagkaanak. Medyo nakakawindang ito sabi ng labandera ko na nakinood muna matapos makapaglaba. Nainis ako, hayun pinauwi ko na. Nakikinood na lang e nagrereklamo pa! E sa ‘yun ang role niya, marunong pa sa writer at direktor! 

Happy birthday…

Belated happy birthday sa maganda at mabait naming editor na si Salve A. 

Huli man daw at magaling, maihahabol pa rin. God bless you always and forever in Jesus name, I pray. (Ay salamat po tita. – Salve A.)         

vuukle comment

TONDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with