^

Pang Movies

John Lloyd at Ellen dinala ang anak sa beach?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
John Lloyd at Ellen dinala ang anak sa beach?!
Ellen at JLC

Malayo ang kuha, pero spotted sa beach sa Cebu na bitbit nina John Lloyd Cruz and Ellen Adarna ang kanilang baby.

Makikita sa kumalat na photo kahapon sa social media na nag-swimming ang ‘mag-anak’ sa beach.

Two months ago pa nang nabalitang nanganak na nga si Ellen. Pero walang direct admission pero ang daming naglalabasang photos na nanganak na nga siya. 

Angelica at Carlo effortless ang lambingan

In all fairness, maganda ang pelikulang Exes Baggage starring Carlo Aquino and Angelica Panganiban. Kaya hindi nakakataka na naka-more than P71 million na ito sa tatlong araw na pagpapalabas.

Super natural ang acting ng dating mag-dyowa. Effortless sa mga intimate scene na parang buhay lang talaga nila ang kuwento.

Si Angelica parang ganun na ganun pati sa mga dialogue.

Mabilisan ang naging relasyon nila sa kuwento ng movie na nauwi sa solid na relasyon at pagmamahalan.

Very now ang mga situation at dialogue kaya maraming nakaka-relate.

Scarlet busy Sa Belo clinic

Kung busy ang Kapamilya stars kahapon sa ABS-CBN Ball, naging busy din si Scarlet Snow Belo sa pag-assist sa kanyang mommy -Dra. Vicki Belo kung saan nagpa-pre ball skin care ang maraming big stars ng network bago dumiretso sa hotel na paggaganapan ng ball.

Cute ni Scarlet at may sign talaga na paglaki niya, magiging beauty expert siya tulad ng kanyang mommy Vicki.

vuukle comment

JOHN LLOYD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with