^

Pang Movies

Young actress na parang beki kung ma-inlove, ayaw paniwalaang hiwalay na sa ginagastusang dyowa

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Ayaw maniwala ng isang talent manager na break na ang alaga niyang young actress sa actor-boyfriend nito. Umugong kasi ang tsismis na hiwalay na ang dalawa matapos nilang magsama sa ilang pelikula at pumasyal sa ibang bansa.

 

“Naku, parang bading ‘yang alaga ko kung umibig. Halos siya nga ang gumagastos sa lalaki, ‘no? Tigilan ako na hiwalay na sila,” saad sa amin ng manager na ayaw magpasabi ng pangalan.

Ayon pa sa manager, hindi rin daw siya sinusunod ng talent pagdating sa pakikipag­relasyon. “Hinahayaan ko lang siya basta wag lang niyang pababayaan ang naisara kong commitments at tatalakan ko talaga siya!”

Wally patay agad sa sitcom nila bossing

Maning-mani lang kay Wally Bayola ang ma­ging babae ang character. Pero ang mahirap sa role niya sa sitcom na Daddy’s Gurl, ‘yung dayalog na may puntong Batanggenyo.

“Magkaiba ito sa character kong Nanay Nunal na palengkera! Malumanay siya,” saad ni Wally sa huli naming makausap sa taping ng TV plug ng sitcom.

Ang bago raw challenge sa role niya ay agad siyang mamamatay sa simula. Pero makakausap din daw siya ng “asawa” niyang si Vic Sotto at anak na si Maine Mendoza sa picture frame na kinalalagyan niya.

“Kaya nang binigay sa akin ang role, tuwang-tuwa ako. Pero nang mabasa ko ang script, ‘Ay mamamatay naman pala agad! Ha! Ha! Ha! Akala ko may lambingan moments, eh mamamatay pala agad!

“Pero masaya, Kakaiba sa ginawang sitcom ni Bossing,” saad ng komeyante.

Iniwan na niya si Jose (Manalo) dahil sa sitcom, huh!

“Ay busy kasi si Jose. Pero hindi baka makasama rin siya rito. Baka nga si Jose ang maging regular dahil tsugi agad ako! Ha! Ha! Ha!” biro ni Wally.

Kung sa Eat Bulaga ay duster kadalasan ang suot, sa Daddy’s Gurl, naka-Filipiniana dress siya. Aniya, Makati to! Matigas at hirap akong makagalaw! Hindi na raw magbabago ang looks ko!

“Sabi ko nga, pag may shooting ng Heneral Luna, puwede akong tumawid! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Wally.

vuukle comment

WALLY BAYOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with