^

Pang Movies

Impormasyon sa sinasabing pananakit ni Elmo kay Janella, makatas!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Impormasyon sa sinasabing pananakit ni Elmo kay Janella, makatas!
Janella Salvador

Sana hindi totoo na sinaktan ni Elmo Magalona ang kanyang girlfriend na si Janella Salvador. Pero iba ang mga confirmed report na nakarating sa akin.

Detalyado at juicy ang mga impormasyon na narinig ko pero hihintayin ko ang statement ni Elmo dahil may karapatan siya na ipagtanggol ang sarili.

Hindi pa rin naman nagsasalita si Janella, maliban sa kanyang cryptic statement noong September 9 na pinag-ugatan ng mga speculation.

Wait and see na lang tayo sa mga susunod na kabanata dahil kung kilala natin si Jenine Desiderio, hindi niya palalampasin ang mga naririnig na klase ng pagtrato ni Elmo sa kanyang anak. Very protective at loving mother si Jenine kay Janella, kahit nagkakaroon din sila ng mga tampuhan na normal na nangyayari sa mag-ina.

Marian at Yasmine lumolobo lang ang tiyan, hindi lumalaki ang katawan

Alfred Paolo Vargas III ang real name ni Alfred Vargas kaya Alfred IV ang pangalan na ibibigay nila ng kanyang misis na si Yasmine sa kanilang coming soon baby boy.

Sa January 2019 ang due date ni Yasmine pero pareho sila ni Marian Rivera na maganda na magbuntis.

Lumolobo lang ang kanilang mga tiyan pero hindi lumalaki ang mga mukha at braso nila.

Kita n’yo naman, lalake ang ipi­nagbubuntis ni Yasmine and yet, ma­gandang-maganda pa rin siya. Nagkakamali ang mga nagsasabi na babae uli ang magiging anak nila ni Alfred dahil blooming nga siya.

At dahil baby boy ang next child nina Yasmine at Alfred, hindi ako magtataka kung mag-decide sila na hanggang tatlo lang ang anak nila. Sa panahon ngayon, importante ang family planning.

Panganganak ni Marian pahulaan pa

Sana nga, lalaki rin ang ipi­nag­bubuntis ni Marian para maka-qouta na sila ni Dingdong Dantes.

Hindi pa sinasabi ni Marian kung ­ilang buwan na ang ipinagbubuntis niya kaya pahulaan pa ang month and date ng kanyang pagsilang.

But definitely, manganganak si Ma­rian sa second child nila ni Dingdong sa 2019.

Showbiz personality na ninakawan ng empleyado, mahigit seven million pesos ang natangay

More than seven million pesos pala ang ninakaw sa isang showbiz personality ng em­pleyado na pinagkatiwalaan niya.

Actually, hindi pa tapos ang imbestigasyon kaya malaki ang possibility na madaragdagan pa ang ha­laga ng ninakaw na kayamanan ng showbiz perso­nality na affected na affected sa nangyari.

Hindi na active sa social media ang suspect na natukoy na ang katauhan. Nanahimik na ang suspect pero may mga netizen na nagpo-post ng pangalan niya sa Twitter at Facebook.

Any moment, baka pangalanan ng showbiz personality ang suspect dahil may mga nagpapayo sa kanya na magbanggit na ng name para mabigyan ng babala ang mga next victim.

vuukle comment

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with