^

Pang Movies

Inigo babantayan muna ng nanay!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Inigo babantayan muna ng nanay!

Inaamin ni Piolo Pascual na boto siya kay Maris Racal na makatuluyan ng kanyang anak na si Inigo Pascual. Si Maris ay dating housemate sa bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother.

Kung sabagay, ‘di lang maganda ang Davaoeñang si Maris, mabait pa. At tulad ni Inigo ay may talent din sa pagkanta at pag-compose ng mga awitin.

Sariling composition nga niya ang awi­ting Love Is Easy, kung saan palaging nire-request daw sa MYX Music Channel ayon sa mga VJ nito.

Palagi raw pumapangalawa ang nasabing kanta.

Hulaan n’yo naman kung kanino ang number one?

Kay Inigo, na may title na Lumang Tugtugin.

Taong 2016 naman nang ilabas ni Inigo ang kanyang first single na Dahil Sa ‘Yo kung saan nag-hit ito sa Billboard Philippines.

Noong September 4 naman ay nag-celebrate siya ng ika-21 niyang kaarawan.

Samantala, nandito raw sa bansa ang nanay ni Inigo na si Donna Lazaro na naka-base na sa U.S. kung saan siya ipinanganak at lumaki.

Nag-guest silang mag-ina sa Magandang Buhay kamakailan lang. Sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal lang ang nag-interview sa kanila dahil nasa America si Karla Estrada.

Ayon kay Donna, baka raw manatili muna siya sa Pilipinas for a while.

‘Di naman binanggit ng mother ni Inigo kung may sarili na ba siyang pamilya sa Amerika.

Bea natupad ang wish kay Aga

Talaga palang nasa bucket list ni Bea Alonzo as an actress na makatrabaho si Aga Muhlach sa pelikula.

Kaya medyo nanghinayang daw siya nang magpahinga at mawala panandalian si Aga sa pag-aartista.

Ito ‘yung mga panahong concentrated on TV si Aga nang mag-sign ng contract sa TV5. Nag-focus siya sa paghu-host while being a Kapatid.

It was last year naman nang mag-appear siyang muli sa isang movie, ang Seven Sundays ng Star Cinema, kung saan nakasama niya sina Dingdong Dantes, Cristine Reyes, Enrique Gil and Ronaldo Valdez.

Ayon kay Bea, overwhelmed daw siya habang ginagawa ang pelikula nila ni Aga, titled First Love. Lalo na raw nang malaman niyang gusto rin pala ni Aga na makatrabaho siya. Napanood na raw kasi nito ang ilan sa mga mo­vies niya.

Nakatakdang i-release ang First Love sa October, mula ito sa direksyon ni Paul Soriano.

Assunta ‘halik na may comfort’ lang ang ginawa kay Luigi

Ayon kay Luigi Revilla, komportable raw siya sa naging halikan nila ni Assunta de Rossi sa pelikula nilang Tres kasama ang mga kapatid na sina Bryan at Jolo Revilla.

Ayon kay Assunta, torrid for comfort daw ang ginawa niya dahil mas bata sa kanya si Luigi.

Ayon naman kay Luigi, ‘di naman daw gaano ang age gap nila, since 26 years old siya at si Assunta ay only 35.

Kung may discomfort daw na naramdaman si Luigi, ito ay dahil sa alam niyang magaling na aktres si Assunta.

Luigi has another leading lady in Amats, si Myrtle Sarossa, 23, kung saan may ilang romantic scenes din silang ginawa.

Showing na ang Tres on October 3 in theaters nationwide. ABS CBN’s Cine Screen will release it.

On Sunday, September 30, ang premiere showing naman ng Tres sa Cinema One Megamall.

vuukle comment

INIGO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with