^

Pang Movies

Heart bumuwelta sa bashers!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Heart bumuwelta sa bashers!
Heart Evangelista

Nakakatawa ang sagot ni Heart Evangelista sa nag-conment na “you look like 50 years old.” Ang reaction ni Heart, “I feel like I’m 70 actually.”

Nag-post kasi si Heart ng picture niya habang nagsa-shopping sa market area sa isang lugar sa Italy na simple ang ayos, nakabestida at flat shoes, kaya siguro yun ang pinagbasehan ng comment ng netizen.

Pero, basher lang yata ang netizen dahil maganda pa rin si Heart sa kahit anong ayos nito.

Actually, kahit hindi na sumagot si Heart dahil ang followers na nito ang sumagot at umaway sa netizen. Nabasa ni Heart ang reaction ng followers at parang natatawa at muling sumagot ng “I was just trying to make her laugh.”

Anyway, hindi talaga naiwasan gawan ng isyu sina Heart at Marian Rivera lalo na ngayong buntis si Marian. Iniisyu ngayon ng kani-kanyang fans ang pagsusuot ni Marian ng flat shoes na hindi raw ginawa ni Heart noong magbuntis.

Choosy actor dito, cameraman sa amerika ang bagsak

Nagulat ang mga nakakita sa actor na ito sa Amerika dahil camera na gamit sa shooting o t­aping ang hawak. Iyun pala, nagtatrabaho ang actor sa isang production company bilang ca­meraman.

Sabi ng isang nakausap ng actor, ayaw na nitong bumalik muna ng Pilipinas dahil wala naman daw siyang gagawin dito. Wala na ka­sing offer sa aktor dahil the last time he was here, na­ging mapili siya sa pagtanggap ng offer at iwas na iwas pa sa press people.

Kapag sinabi mong gusto mo siyang inter­byuhin, ang daming alibi at ngiti lang ang isasagot tapos tatalikod na at lalayas.

Sophie tanggap na second choice lang

Sa October 8 na ang pilot ng comedy series ng GMA 7 na Pamilya Roces at maganda ang feedback ng viewers sa trailer ng teleserye.

Isa sa kasama sa cast si Sophie Albert sa role ni Amber, anak ni Roi Vinzon kay Elizabeth Oropesa. The same role na unang in-offer kay Teresita “Wynwin” Marquez, pero nag-backout ito. Okay lang kay Sophie na second choice lang siya, lalo’t maganda ang role at karakter niya.

Nagulat daw siya nang ibigay ang role sa kanya dahil pagkabigay ng script, the next day nag-taping na agad siya. Saka, love scene agad nila ni Rocco N­acino ang kinunan na nahirapan siya dahil sa car kinunan na masikip at hindi sila makakilos ng maayos.

Natutuwa si Sophie na kahit bago lang siya sa GMA 7, sunud-sunod ang shows niya. Nag-guest siya sa Daig Kayo ng Lola Ko, Magpakailanman at Victor Magtanggol. Ang Pamilya Roces ang first regular teleserye ni Sophie.

Masaya rin ang pamilya ni Sophie sa Pamilya Roces, nalulungkot lang siya na hindi mapapanood ng dad niya. For 17 years, naka-coma pa rin ang dad niya. Ang ginagawa ng mom niya, binubuksan ang TV sa room ng dad niya para kahit audio maririnig nito at maririnig ang boses niya.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with