^

Pang Movies

Angelica naka-live in sina Derek at John Lloyd, Maja naging ex ni Carlo

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Angelica naka-live in sina Derek at John Lloyd, Maja naging ex ni Carlo
Angelica Panganiban at Carlo Aquino

Naging girlfriend din pala ni Carlo Aquino si Maja Salvador? Nabunyag ito nang mag-guest sina Carlo at Angelica Panganiban sa Gandang Gabi Vice para sa promosyon ng movie nilang Exes Baggage.

Third party ang dahilan ng u­nang paghihiwalay ng mag-ex na hinuhulaang magkakabalikan. At hindi lamang miminsan silang nag-break. Dalawang ulit at isa sa nakapalit ni Angelica sa puso ni Carlo ay si Maja nga pero, nilinaw ni Angelica na wala na sila ni Carlo nang pumasok sa eksena si Maja.

Ang pagiging tsikboy ni Carlo ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Nakatutuwang mapanood na alumpihit si Carlo habang pinag-uusapan nina Vice Ganda at Angelica ang naging relasyon nila ng kapareha niya sa Exes Baggage. Mukha namang may kapupuntahang maganda ang nakikitang sweetness ng mag-ex, o baka naman magagaling lang silang artista para mapakilig ang lahat na nakakapanood sa kanila?

Lalo na nang sabihin ni Carlo sa larawan ni Derek Ramsay ba o John Lloyd Cruz na live in lang ang lamang sa kanya ng dalawang aktor na parehong naka-live in ni Angelica.

Batang judges sa TKC iisa ang madalas mapili

Ang gagaling ng mga sumasaling contestant sa The Kids Choice. Fortunately, marunong pumili ng winners ang limang batang judges – Chunsa, Zia, Carlo, Jaydn at Onyok.

Basta kung alin ang magustuhan nilang act, ‘yun na ang panalo. Buti naman at madalas unanimous at nagkakaisa sila sa mga pinapanalo nila. Hindi lang sila sa biswal umaasa, maski na ‘yung mga may malalalim na kahulugan na acts ay nababasa nila.

Rita hinahangaan sa pagmamaldita

Sa halip na mainis ang mano­nood sa ginagawang pang-aakit ng character ni Rita Daniela sa autistic na character ni Ken Chan, mas hinahangaan nila ang talented actress sa pag-tackle nito ng kontrabida role niya sa My Special Tatay. Mas kailangang mag-effort ni Ken na pantayan ang kagalingan ng kanyang kontrabida para hindi siya maiwan nito sa akting.

Elmo nadidiin sa mga pasa ni Janella

Sana ay hindi magtuluy-tuloy ang napapabalitang away nina Elmo Magalona at Janella Salvador.

Sayang naman yung naging effort nila para maipaglaban nila ang kanilang relasyon, lalo na sa nanay ni Janella. Halata ang gap sa pagitan nila sa mga pagkakataong nagkakasama sila. Nag-iiwasan ang dalawa at kapag naman nagkakatabi sila ay nagdi-dedmahan sila.

Si Elmo nga ang sinisisi sa mga pasang nakita kay Janella sa social media. Dapat linawin ni Janella ang tungkol dito para hindi naman mapagbintangan si Elmo ng hinihinalang pananakit sa babae.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

CARLO AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with