^

Pang Movies

Mga nagpupunta sa Wowowin hindi umuuwing luhaan

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Mga nagpupunta sa Wowowin hindi umuuwing luhaan
Willie Revillame

Saludo talaga kami kay Willie Revillame, ang producer at host ng Wowowin sa GMA7, dahil napakalaki ng naitutulong niya sa kanyang mga staff at sa mga taong dumadagsa sa kanyang programa.

Laging handa si Willie sa mga nano­nood ng live sa kanyang show na kung saan-saang panig ng Pilipinas nangga­ling. ‘Yung iba ay nangungutang pa ng pamasahe para makapunta lang sa kanyang programa.

Sabi nila, kahit hindi raw makasali sa palaro, hindi pa rin naman sila umuuwi ng luhaan.

Sa programang For Da Boys ko unang nakilala si Willie at nasubaybayan ko ang kanyang kabutihan at pagiging matulungin. Kaya naman siya ay pinagpapala ng Diyos.

Mumurahing gamot malaking tulong

Ang hirap ng buhay ngayon at hindi lamang dito sa Pilipinas kung hindi pati na rin sa ibang bansa. Nagmahalan ang lahat ng mga bilihin, ang bigas na dating 45 pesos per kilo na aming binibili ay naging 51 pesos na. Ang mga gulay, grabe ang itinaas, tatlong piraso ng siling labuyo, limang piso na, isang small potato, isang carrot, dalawang pirasong talong at isang tali ng kangkong ay 81 pesos na!

Ganoon, no choice kasi kailangan at sangkap sa ulam. Ang isang kilo naman ng chicken ay P180 at ang isang kilo naman ng liempo ay P240, pero mas mahal ang isda like bangus at tilapya.

Anyway, pasalamat na lang tayo at may nabibili pa, pero paano na lang yung mga walang pambili, e ‘di ngangey!

May kasabihan nga in english eh, “Money is the root of all evil”. Sa aking palagay, ‘yang kasabihan na ‘yan ay patungkol lang dun sa mga taong walang dino-Diyos kung hindi ang pera. Tulad na lang ng mga ilang government official na corrupt, na kaya pala nagkukulang ang supply ng NFA ay dahil sa hoarding!

Ganunpaman, sa kabila ng pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin, mayroon pa rin tayong mabibiling murang gamot na distributed ng botika ng masa ang Generika. Huwag ding mahihiyang magtanong kay Miss Susan Roces. Ask her kung may RiteMed ba ‘yan.

Kaya sa lahat ng mga taong may sapat lang na halaga at need n’yo ng garantisado at murang gamot, buy na kayo sa Generika or mag RiteMed lang kayo. Sa totoo lang, ang laking tulong sa mga mahihirap ang nasabing botika ng masa. I’m sure, pinagpapala ni Lord Jesus ang nagtatag ng murang bilihan ng gamot. Bukod sa libre ang pag check-up ng dugo (BP) at twice a month free consultation na ang mga Doctor ay iba iba ang specialty.

At take note, ang mga pharmacy assistant ng Golden City Branch na sina Jenn, Jerome at Mark ay nagbahay-bahay para himukin ang mga tao na magpa-check up lalo na yung may mga karamdaman dahil ito ay libre. Ang kanilang head pharmacist na si Miss Norie, ang nagsu-supervised at nagbibigay support sa kanilang mga pasyente. Good Job Guys!

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with