^

Pang Movies

Regine ‘di raw kailangan ng guest sa concert

Nitz Miralles - Pang-masa
Regine �di raw kailangan ng guest sa concert
Regine

MANILA, Philippines — Dapat, two Saturdays lang ang Regine at Movies concert ni Regine Velasquez sa KIA Theater, pero dahil sa nagkakaubusan na ang tickets, ang November 17 and 24, nadagdagan pa ito ng isa pang gabi. Kaya extended sa Nov. 25, ang concert.

Sa September 30, pa magiging available ang tickets for Nov. 25, as of today, sold out na ang ilang seats sa Nov. 17 and 24.  Bago pa ang date ng concert, wala nang mabibiling tiket.

Ganu’n kasabik ang fans ni Regine na mapanood siya sa concert at sa mas accessible na venue. Kahit may kamahalan ang tiket para sa KIA Theater, bumili pa rin ang fans ni Regine.

Kung magkakaroon man ng guest si Regine, hindi nakakagulat kung Kapamilya stars na dahil by that time, nakalipat na siguro si Songbird sa ABS-CBN.

Si Raul Mitra ang musical director ng concert ni Regine at si Paolo Valenciano ang stage director.

Studio 7 tambak sa performers

Sa October 14 na ang pilot ng bagong musical-variety show ng GMA 7 na Studio 7 pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko, kaya kapalit nga siya ng The Clash. Sa inilabas na initial press release, bukod kina Christian Bautista, Julie Anne San Jose at sa nabanggit naming sina Mavy at Cassy Legaspi, marami pang kasamang performers.

Kasama rin sina Mark Bautista, Kyline Alcantara, Rayver Cruz, Mikee Quintos, Kate Valdez, Gabbi Garcia, Migo Adecer, Donita Nose, at Tekla. Makakasama rin ang winner at ilan sa mga clashers mula sa The Clash.

May mga nababasa kaming request na isama sina James Wright, Pauline Mendoza at talents ng GMA 7 na walang regular show. Bakit daw kung sino ang may show, sila pa ang isinama sa Studio 7.

Juancho at Ashley ‘di nababanggit sa Wild…

Kung hindi pa sa mall show ng Regal Entertainment para sa promo ng Wild & Free movie, hindi pa malalaman na kasama sa cast sina Juancho Trivino at Ashley Ortega. In all fairness sa dalawa, kahit hindi sila nababanggit sa press release, game pa rin sila sa mall show at nagpi-perform.

Sa presscon mamaya ng pelikula, malalaman ang eksaktong role nina Juancho at Ashley at kung sino pa ang ibang cast ng sexy movie na makakasama nina Derrick Monasterio at Sanya Lopez sa direction ni Connie S. Macatuno.

Sa October 10, na ang showing ng Wild & Free at sa Oct. 9, ang premiere night.

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with