^

Pang Movies

Dalawang aktor hindi na mabura ang sex video

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Na-suspend ang Twitter account ng isang netizen na nag-upload ng scandalous videos ng dalawang aktor na aktibo sa showbiz ngayon.

Yung unang aktor ay isa sa promising actors ngayon at produkto ng isang reality show.

Sa naturang video, halatang bata pa ang aktor pero makikita na siya iyong nasa video. Mukhang bihasa na ito sa pakikipag-sex chat sa internet dahil may nakahanda na siyang backdrop na tila may sarili siyang show.

Yung isang video naman ay sa isang morenong model-turned-actor.

Unang lumabas ito a few months ago bilang screenshots lang. Pero lumabas na rin ang full video na ito ng model-actor na ikinabahala niya noon pa.

Though kalahati lang ng mukha ang makikita mo sa model-actor, ang na­ging giveaway na siya iyon ay dahil sa suot niyang mga native bracelets.

May isang netizen pa ang nag-effort na mag­hanap ng isang photo shoot ng model-actor na suot niya ang same bracelets sa left wrist nito.

Malamang na may mga concern sa career ng dalawang aktor na ito kaya ni-report nila ang Twitter account kaya na-suspend na ito.

Pero dahil marami na siguro ang nakapag-download ng mga naturang video, lalabas at lalabas pa rin ito sa kahit na anong website.

‘Yan siguro ang hindi kayang baguhin na ng dalawang aktor na ito. Ang natatanging puwede lang nilang gawin ay mag-deny nang mag-deny forever sa nagawa nilang malaswang video.

Anak ni Almira pasok sa top seven sa Miss World-PH

Masuwerte ang anak ni Almira Muhlach na si Alyssa Muhlach, ang da­ting TV5 talent at produkto ng Artista Academy na si Chanel Morales at ang former Bb. Pilipinas winner na si Katarina Rodriguez dahil nakasama sila sa pitong finalists ng Beach Beauty competition sa El Nido, Palawan ng Miss World Philippines 2018.

Malalaman kung sino ang magwawagi sa competition na ito sa coronation night ng MWP on October 7.

Last year, ang nanalong Reina Hispanoamericana na si Teresita Ssen “Winwyn” Marquez ang tinanghal na Beach Beauty ng MWP 2017.

Rihanna bagong ambassador ng Barbados

Ginawaran bilang ambassador ng bansang Barbados ang singer na si Rihanna.

Isang native ng Barbados si Rihanna na pinanganak sa Saint Michael under her real name Robyn Fenty.

The Barbados Government Information Office named Rihanna as “Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary.”

Isa sa mga primary roles ni Rihanna bilang ambassador ay ang “promoting education, tourism and investment for the island.”

Noong 2008 ay na-appoint na si Rihanna bilang isa sa Barbados’ Cultural Ambassadors na tumulong sa tourism ng bansa.

Hindi naman kakuwestiyon-kuwestiyon ang mga achievements ni Rihanna para gawin siyang ambassador ng Barbados.

vuukle comment

ALYSSA MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with