^

Pang Movies

May kakaiba kasing ugali aktres na nag-back out sa pelikula, ipinagbunyi ng mga katrabaho!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Natuwa pa ang staff ng isang movie sa pag-back out ng aktres sa gagawin nilang movie sa halip na malungkot, huh!

 

Natatakot din kasi silang makatrabaho ang aktres dahil sa mga mood swing nito. Nag-aalala sila na kapag nasa kalagitnaan ng shooting eh, umiral ang kakaibang ugali nito.

Sa totoo lang, nalaman ng staff na kaya nilayasan ng aktres ang movie eh dahil natagalan siya sa pagsisimula ng project, huh! Deadma na lang sila sa rason ng aktres, huh!

Date nina Maine at Alden ibinisto ni AiAi

Ipinagsigawan ni AiAi de las Alas sa stage nu’ng maging guest siya sa katatapos na concert ni Alden Ri­chards na Adrenaline Rush last September 21 sa Kia Theater na blessed ang Pambansang Bae kaya sold out ang tickets sa concert niya.

Naloka lang si Alden na sa tsikahan kay AiAi, ibinuking niyang nag-date sila ni Maine Mendoza. Sigawan at hiyawan ang fans nila sa pambibisto ng Comedy Queen sa nangyari sa dalawa.

Maluha-luha namang nagpasalamat ang bida ng Victor Magtanggol na nanood sa show niya Isinabay na rin dito ang paglabas ng bago niyan album under GMA Records.

Glaiza nakaharap ang tunay na Liway

Buhay pa ang tunay na Liway, si Cecille Oebanda, na ginampanan niya sa Cinemalaya movie na Liway. Siya ang nanay ng director ng pelikula, si Kip Oebanda.

Naging limited lang ang pag-uusap nila ni Glaiza de Castro dahil may deadline ang shootings nila.

“I was doing Contessa that time. Matagal din ‘yung pagbaba ng memo so one day or two days, nag-shoot na kami. Parang nangangarap ako. At least, nasabi na ang experiences niya as Martial Law victim kaya personally, narinig ko o nalaman mga nangyari.

“Pinasadahan namin ang mga ilang eksena at kahit paano, naayos namin ang timpla, ‘yung feel. Kahit hindi ganoon kahaba ang preparasyon, masasabi ko naman na ang resulta ay well-guided. Hindi rin kami pinabayaan ng taong involved dito,” pahayag ni Glaiza.

Mapanonood sa October 10 ang Liway na may hawak ng record ng highest grossing film sa 14 na taon ng Cinemalaya. “At least naranasan kong maging boxoffice (queen)! Ha! Ha! Ha!” saad pa ng Kapuso actress.

vuukle comment

AIAI DE LAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with