^

Pang Movies

Nanay ni Luigi mas nauna kay Bong kesa kay Lani

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Walang kiyemeng inamin ni Bacoor City Mayor Lani Mercado na naunang naging girlfriend ni Senator Bong Revilla Jr. ang mother ng kanyang stepson na si Luigi Revilla kesa sa kanya. Sinabi niya ito nang mag-guest ang anak niyang si Bryan Revilla sa TWBA (Tonight With Boy Abunda) ni Boy Abunda.

 

Two years old daw si Luigi nang ma-meet niya ito for the first time sa wake ng kanyang biyenan, ang mother ni Sen. Bong. The late Azucena Mortel.

Tinawag daw niya ito at nang lumapit, alam niyang she gained a new son.

Sa isang interview with Luigi na 26 years old na ngayon, ipinagmamalaki niyang close siya sa kanyang Tita Lani. Second mother na raw ang turing niya rito.

Feel na feel naman daw ni Luigi na tanggap siya ng iba pa niyang mga kapatid.

Samantala, na-excite raw siya agad at ang kanyang mga kapatid na sina Bryan at Jolo Revilla ng magsabi ang kanilang ama na gagawa sila ng pelikula, which all serve as the comeback film ng kanilang production, ang Imus Production. Ang title niyo ay Tres.

Ang Tres ay isang action trilogy kung saan may tatlong episode, ang Virgo ni Bryan directed by Richard Somes with Carla Humphries as his leading lady, ang 72 Hours ni Jolo na idinirek naman ni Dondon Santos with Rhian Ramos and Lovi Poe, at ang Amats ni Luigi na idinirek pa rin ni Dondon Santos, with Assunta de Rossi at Myrtle Sarossa.

Mapapanood na ang Tres sa October 3 in theaters nationwide kung saan ang Star Cinema ang nakatakdang mag-release nito

Assunta naghihintay pa rin ng himalang mabubuntis

14 years na palang kasal si Assunta at ng kanyang asawang politician cum haciendero sa Negros Occidental, si Jules Ledesma. Pero, ‘di pa rin pala sila nabibiyaan ng supling. Si Jules naman ay may dalawa nang anak sa nauna nitong karelasyon.

Umaasa si Assunta na one of these days, mabubuntis at magkakaanak din sila. 35 years old pa lang naman daw siya sabi niya.

Kung sabagay, ang dating beauty queen nga na si Marian Quiambao, kahit 40 years old something na ay nabuntis pa rin. Ngayon lang siya nabuntis sa asawa niyang si Ardy Roberto.

Ice at Liza gusto na rin talagang mag-baby

Tanong lang: bukod kay Assunta, narinig din namin na eager din si Aiza ‘Ice’ Seguerra na magkaanak sila ng kanyang misis na si Liza Diño, ang Chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Hindi naman itinatanggi ni Liza na meron na siyang isang anak na babae sa previous niyang karelasyon.

‘Dad’ daw ang tawag at turing ng anak ni Liza kay Ice.

Samantala, si Ice ay nag-iisa lang ding anak ng kanyang mga magulang.

Diego dedma sa annulment nina Cesar at Sunshine

Tikom ang bibig ni Diego Loyzaga tungkol sa much publicized marriage annulment ng kanyang tatay na si Cesar Montano kay Sunshine Cruz.

Close raw siya kay Sunshine at sa tatlo niyang little sisters dito, in fact happy daw siya na recording star na ngayon si Angelina (panganay nina Cesar at Sunshine)

Ayon pa sa kanya, in good terms daw sina Sunshine and ang kanyang nanay na si Teresa Loyzaga.

Samantala, ayaw naman niyang pag-usapan ang tungkol sa naging relasyon nila ni Sofia Andres na kasalukuyang wala pang project after Bagani nina Liza Soberano and Enrique Gil.

Nasa cast si Diego ngayon ng malapit nang ipalabas na action-drama series on ABS-CBN, ang Los Bastardos which he will co-star with Jake Cuenca, Marco Gumabao and Ronaldo Valdez, among others.

vuukle comment

LANI MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with