^

Pang Movies

Matteo at Sarah tipid sa pagsi-share ng memorable vacation sa Italy

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Parehong umiiwas sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli pa ang kanilang recent trip sa Italy to celebrate their 5th anniversary bilang magkasintahan ang pag-uusapan. They would not even confirm nor deny na magkasama sila for the very first time sa bansa ng ama ni Matteo na si G. Gianluca Guidicelli na isang Ital­yano.  Except for coffee shots na kuha sa iba’t ibang lugar ng Italy na ang isa ay may dalawang tasa ng coffee ang nasa mesa, walang sini-share na photos ang magka­sintahan na magkasama sa nasabing lugar.

 

Sa kabila ng pagiging `maramot’  ng pictures ng  kanilang trip sa Italy, tiyak na maraming mga kababayan natin ang nakakita sa kanila sa nasabing lugar.  Pero kung tutuusin, marami rin ang ha­nga  sa magkasintahang Sarah at Matteo dahil napapanatili nilang pri­bado ang kanilang relasyon sa kabila na pareho silang popular celebrities.

Matteo describes his recent trip (with Sarah) enjoyable and memorable.

Samantala, hinihintay na rin ng mga fans nina Sarah at Matteo ang proposal ng huli sa Pop Princess.  After all, 30 na si Sarah at 28 naman si Matteo at pareho nang stable ang kanilang estado.  Mara­mi rin ang nag-aabang sa pagdalo ng dalawa na magkasama for the very first time sa ABS-CBN Ball (dating Star Magic Ball) na gaganapin sa Shangri-La Makati on September 29, araw ng Sabado.

Bela at JC sa TV naman bibida

Pagkatapos ng dalawang successful team-up sa pelikula nina Bela Padilla at JC Santos sa pamamagitan ng hit movies na 100 Tula Para kay Estela at The Day After Valentine’s na parehong naging kalahok sa sa dalawang naunang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) , magtatambal ang da­lawa sa isang teleserye na first time nilang gagawin, ang Mea Culpa na produced ng Dreamscape Entertainment Television ni Deo Endrinal for ABS-CBN.

Makakasama nina Bela at JC sina Tony Labrusca, Janice de Belen, Kit Thompson, Ivana Alawi, Sandino Martin, Ket­chup Eusebio at Ayen Laurel.

Up to this time ay marami pa rin ang na­ngangantiyaw kina Bela at JC na ma­ging sila dahil pareho naman silang single ngayon.

Juday malapit nang mapanood araw-araw

Tiyak na matutuwa ang mga tagahanga ng misis ni Ryan Agoncillo na si Judy Ann Santos dahil malapit na rin itong mapanood sa kanyang kauna-unahang te­leserye after five years of not doing one.

Si Juday ay huling napanood sa isang teleserye sa pamamagitan ng Huwag Ka Lang Mawawala in 2013 na pinagsamahan nila nina KC Concepcion, Sam Milby, Tirso Cruz III at iba pa.

Kasalukuyang ginagawa ni Judy ang kanyang comeback teleserye, ang Starla kasama sina Raymart Santiago, Joem Bascon, Anna Luna, Meryll Soriano, Gabe Mercado, Simon Ibarra, Bodjie Pascual, Joel Saracho, Janus del Prado at iba pa.                         

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with