^

Pang Movies

‘Di raw kinarir nina Carlo at Zanjoe Angelica naghahanap ng manliligaw

YSTAR - Baby E - Pang-masa
�Di raw kinarir nina Carlo at Zanjoe Angelica naghahanap ng manliligaw
Angelica

Kahit sinabi ni Angelica Panganiban na wala siyang seryosong manliligaw sa kasalukuyan, willing daw na magpaligaw siyang muli at makipagrelasyon.

 

Hindi man sinabi ng aktres, obvious na she is over and done na kay John Lloyd Cruz, ang kanyang hu­ling napabalitang seryosong boyfriend, na ngayon ay inlove na sa Cebuana beauty na si Ellen Adarna, na balita ring mother ng kanyang reported ding kapapanganak na panganay.

Pag-amin ni Angelica, pareho siyang close kina Zanjoe Marudo, ang kanyang ka-partner sa Playhouse, at kay Carlo Aquino, leading man naman niya sa pelikulang Exes Baggage na dati niyang boyfriend. Ganun pa man, hindi raw nanliligaw ang dalawa sa kanya.

Turning 32 on November 4, hindi raw nagmamadali si Angelica na ma-in love muli. Pero maari raw magbago ang isip niya kapag naramdaman niyang padating na ang tamang lalaki sa buhay niya.

And will even marry the guy, if she feels he is right one na.

Maxene aktibo na uli

Mapapanood na rin si Maxene Magalona, na nakapanabayan daw ni Angelica sa children’s variety show ng ABS-CBN, Ang TV, sa Playhouse.

Funny, pero ito raw Playhouse ang first time nilang magkatrabaho bilang adults. Kapamilya na ring maituturing si Maxene na huling napanood sa Doble Kara kasama sina Julia Montes at Sam Milby.

Almost a year ding nawala sa eksena ng showbiz si Maxene, since ikinasal nga siya sa musician na si Robby Mananquil.

Robby’s mom, of course is Millet Martinez-Mananquil, Lifestyle Editor ng Philippine Star, sister publication nitong PM (Pang-Masa).

James Diretso na ang tagalog 

Nagsimula na si James Reid sa kanyang first big movie bilang solo performer, ang Pedro Penduko.

“At hindi lang ‘yan,” ani pa ni James in solid Tagalog. “Wala akong particular leading lady sa pelikula, since ang Pedro Penduko ay naka-focus lang sa karakter na aking ginagampanan.”

And guess how long ago na Penduko became a familiar karakter on the big screen?

Well, since the 1950s when noted National Artists Francisco Coching serialized in the Komiks section of the then popular Tagalog Magazine, Liwayway.

Taong 1954 nang unang iprodyus ang pelikula ng Pedro Penduko ng now defunct Premiere  Productions, na pinagbidahan ni Efren Reyes na isang actor-director and producer.

Ang nagdirek nito ay ang pinakanirerespetong director ng kanyang panahon, si Gerardo de Leon na isa ring National Artist.

Ang isa pang gumanap na Pedro Penduko sa pelikula noong 1974 ay si Ramon Zamora.

Sa TV, ginampanan nina Janno Gibbs at Matt Evans ang role na Pedro Penduko.

Ang Pedro Penduko movie ni James ay produce ng Epic Studios and Viva Films.

Bryan hindi bias

Ayaw ikumpara ni Bryan Revilla sa action-packed trilogy movie na Tres, sa kanyang mga kapatid na sina Vice Governor Jolo Revilla at Luigi Revilla, ang performance niya.

Ginawa raw nilang lahat ang best nila para mag-shine sa kani-kanilang episode.

Mapapanood si Bryan sa Virgo na idinirek ni Richard Somes kung saan co-stars niya sina  Carla Humphries and Joey Marquez. Amats and 72 Hours naman, respectively ang titles ng mga episode nina Luigi at Vice Jolo, na parehong idinirek ni Dondon Santos.

Luigi’s co-stars are Assunta de Rossi and Myrtle Sarrosa. Sina Rhian Ramos, Lovi Poe and her mom, Bacoor City Mayor Lani Mercado naman ang tampok sa episode ni Jolo.

A production of the Revilla’s Imus Productions, mapapanood na in theaters nationwide sa October 3 and will be distributed by Star Cinema ang Tres.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with