^

Pang Movies

James at Nadine pinaghahandaan ang ABS-CBN Ball

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
James at Nadine pinaghahandaan ang ABS-CBN Ball
James Reid at Nadine Lustre

Kumpirmado na ngang dadalo ang showbiz couple na sina James Reid at Nadine Lustre sa kauna-unahang ABS-CBN Ball na gaganapin sa Sept. 29.

Ito rin ang first time ng dalawa to attend the Kapamilya ball dahil noong Star Magic Ball pa lang ito ay hindi sila pwedeng dumalo komo nga hindi naman sila Star Magic artists.

For sure ay excited ang JaDine sa event at pinaghahandaan nga nila ito nang bonggang-bongga.

Ang taray nga dahil si Michael Cinco lang naman ang gagawa ng suit ni James. Imagine, lumipad pa ng Pilipinas mula sa Dubai ang magaling na designer para personal na kunin ang measurement ng aktor.

Nag-post ang designer sa kanyang Instagram account habang sinusukatan si James at sa caption, aniya, “Had the pleasure of personally taking the very beautiful @jamesmeasurements...This boy is so nice and humble no wonder he gained a lot of fans and followers..”

Hindi pa sure kung si Michael din ang gagawa ng gown ni Nadine na isusuot sa ball pero ngayon pa lang ay sobrang excited na ang JaDine fans na makita ang isusuot ng kanilang idolo.

Barbie tinutulungan ni JM gumaling ang puso

Hindi pa nakaka-move-on ang puso ni Barbie Imperial sa pinagdanaang break-up recently. Ito ang inamin ng dalaga sa interview niya sa Magandang Buhay last Wednesday.

“Siguro magsisinungaling ako kung sasabihin ko na naka-move on na ako na super-moved on na. Paunti-unti po, getting there,” pahayag ni Barbie.

Aminado rin siyang nakakatulong daw ang trabaho niya sa proseso ng moving on niya, pati na rin si JM de Guzman na leading man niya sa Araw Gabi.

“Si JM talaga, hindi lang siya parang love team lang eh. Pareho kami, kapag may problema kami sinasabi namin sa isa’t isa. Kung gusto namin. Kasi ang workshop namin parang alam na namin ang mga sekreto namin, hugot namin. So nagkakaroon ng times na kapag sobrang down kami, nag-uusap talaga kami,” sey pa ni Barbie.

Natanong ang young actress kung nanliligaw na ba si JM sa kanya at anya, ang pangit naman daw na kaka-break lang niya ay nagpapaligaw na siya.

“Hindi ba kapag kaka-break n’yo lang po may something pa rin sa sarili mo na ‘yung dati pa rin. Hindi naman na mahal mo pa rin siya. Parang ang tagal n’yo kasi na naging kayo. So, kung magpapaligaw ka sa iba, feeling ko sa akin hindi siya magwo-work talaga. So kawawa naman ‘yung guy. So, kailangan muna mag-heal talaga,” saad pa ng young actress.

Alam naman daw ito ni JM at ang aktor pa nga raw ang nagpapayo sa kanya na “huwag muna (magpaligaw), mag-heal ka muna.”

vuukle comment

JAMES REID

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with