^

Pang Movies

Cesar natameme sa annulment nila ni Sunshine

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Cesar natameme sa annulment nila ni Sunshine
Cesar Montano at Sunshine Cruz

Eksaktong 18 years matapos silang ikasal sa isang beach wedding noong Set­yembre 2000, nakuha na ni Sunshine Cruz ang hinihingi niyang annulment ngayon o pagpapawalang bisa ng kanyang kasal sa actor na si Cesar Montano.

Sila ay nagpakasal sa ilalim ng Christian rites pero bago iyon, kagaya ng mga karaniwang kasal ng mga born again, nagpakasal muna sila sa sibil.

Si Sunshine ang ikalawang asawa ni Montano. Una niyang pinakasalan ang kababayan niya sa Bohol na si Marilyn Polinga. Walang makuhang record kung kailan ikinasal si Cesar kay Polinga, pero nagkaroon sila ng dalawang anak. Isang babae at isang lalaki. Taong 1993 naman nang pumanaw na si Marilyn.

Bago sila nagpakasal ni Sunshine, naanakan din ni Cesar si Teresa Loyzaga. Naging anak nila si Carlos Diego o Diego Loyzaga, na isa na ring artista ngayon.

Hindi maikaila ni Sunshine ang malaking katuwaan nang makuha ang matagal na niyang hinihintay na annulment. Inabot din nang mahigit apat na taon bago lumabas ang desisyon ng korte. Hindi matapus-tapos ang pasasalamat ni Sunshine lalo na sa abugadong si Bonifacio Alentajan na siyang nag-asikaso ng kanyang annulment. Si Alentajan ay naging ninong din nila sa kasal ni Montano.

Tatlo ang naging anak nina Sunshine at Cesar, at lahat ay nasa custody ngayon ni Sunshine. Masaya rin ang tatlong bata at doon mismo sa isang video post, lumabas na masayang-masaya sila para sa kanilang ina na finally ay nakalaya na rin sa kanyang kasal.

Tahimik naman ang kampo ni Montano sa desisyon ng korte.

Bago ang annulment, may kumalat na balitang may girlfriend na si Cesar na nagngangalang Kath Angeles at sinasabing mayroon na siyang mga anak.

“Ninang” pa nga ang isang journa­list na kaibigan ni Cesar na tinukoy din naman ni Sunshine.

Maaaring ang desisyon ng hukuman sa annulment ay iapela pa ni Cesar sa Court of Appeals, pero hindi na inaasahang gagawin pa niya ‘yun, after all may kanya-kanya na silang buhay.

Career ni Sam mabagal ang pag-usad

“Bakit parang mabagal ang pagsikat ni Sam Concepcion. Sayang magaling pa naman,” sabi ng isang kritiko sa amin noong press conference nila ng pelikulang Para sa Broken Hearted.

Kung iisipin mo, may kabagalan nga. Sumali at nanalo si Sam sa isang talent search noong 2006, at simula noon, nagtuluy-tuloy na ang kanyang career. Pero siguro nga, sa rami ng talent ni Sam, ‘di na siya makapag-focus. Siguro kung nag-concentrate na lang muna siya sa isa, baka mas umangat pa ang career niya.

Pero siguro nga ang mahalaga, hindi naman naiiwan si Sam. Lagi namang may nagtitiwala at nagbibigay sa kanya ng assignment dahil hindi maikakaila na magaling naman siya talaga. Sana nga lang pagkatapos niyang Para sa Broken Hearted, mag-concentrate na lang muna siya bilang isang actor. Mukhang mas mapapansin siya sa linyang iyon.

Happy birthday Padre Pio

Sa makalawa, Linggo ang kapistahan ni Santo Padre Pio, pero huwag kayong magtataka kung hindi man lang iyon mabanggit sa mga misa, dahil ang pista ng mga santo ay nawawala basta tumama ng Linggo. Mas mahalaga ang Linggo sa liturhiya kaysa sa anumang pista.

Pero sa Linggo, hindi po maaaring iurong ang birthday ng aming editor na si Salve Asis. (Hihihi. Thank you tito. Happy birthday Padre Pio. - Salve. A.)

vuukle comment

CESAR MONTANO

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with