^

Pang Movies

Revilla clan tuloy pa rin ang nasimulan

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Revilla clan tuloy pa rin ang nasimulan

Ang showbiz ang pinakamahirap kalimutan para sa isang artista, parang pagkit na nakahalo sa kanilang dugo at dumadaloy sa kanilang ugat.

Hindi nalalayo rito ang Revilla Fa­mily kung saan ang punong ugat ay si Don Ramon Revilla Sr. na nagsimula ring mag-artista sa murang edad.

Isa siya sa mga pinaka-makisig na lalaki noon sa showbiz, kahit naman noong nagka-edad siya ay matinee idol pa ring matatawag.

Nang magkapamilya siya ay nakuha rin ng kanyang mga anak ang pagiging good-looking, isa na rito ang anak niyang si Bong Revilla Jr. na sumunod sa yapak niya bilang isang senador at aktor.

Si Bong ay asawa ni Bacoor City Mayor Lani Mercado na dati ring artista.

Ang iba pang mga kapatid ni Bong ay sina Marlon Bautista na isang mahusay na direktor, si Cong.  Strike Revilla, Princess, Andeng Ynares, at Gigi dela Riva.

Samantala, ang mga apo naman ni Don Ramon kay Bong ay pawang mga guwapo rin. Ilan na rito ay sina Jolo Revilla na Vice Governor na ng Cavite, at sina Bryan at Luigi Revilla na merong ginawang pelikula ngayon, ang Tres.

Dahil ayaw ng mga Revilla na mawala ang nasimulan ng kanilang ama, muli nilang ibinabalik ang kanilang movie production na Imus Production kung saan kilalang-kilala noon bilang tagagawa ng mga magagandang pelikulang aksyon.

Nakapag-produced ito ng sandamakmak na movies na pawang naging hit sa takilya at nakapagbigay ng trabaho sa maraming artista kung saan ang ilan ay nagkapangalan at sumikat.

Handog ng Revilla Brothers na sina Jolo, Bryan at Luigi ang pelikulang Tres dahil sa kagustuhan nilang mabuhay muli ang action movies sa bansa. Ayon pa sa kanila, ito rin daw ang gustong mangyari ng kanilang ama na si Bong na hanggang ngayon ay nakakulong pa rin.

Ang Tres ay isang action trilogy na binubuo ng tatlong episode ng Revilla Brothers. Ang 72 Hours ni Jolo, directed by Dondon Santos, with Rhian Ramos. Ang Virgo ni Bryan, directed by Richard Somes with Carla Humphries, at ang Amats ni Luigi na kay direk Dondon pa rin and with leading ladies, Assunta de Rossi at Myrtle Sarossa.

Mapapanood na ang nasabing pelikula in theaters nationwide sa October 3.

Poging starlet na hindi na tumangkad, 20-anyos nang matuli

Grabe naman, 20 years na raw ang poging starlet nang siya ay tuliin. Kaya raw hindi na siya tumangkad. Oh Nooo! Sinong may sabi sa ‘yo iho at dadagukan ko! Hindi totoo yan! Nasa lahi baga ‘yan. Kung matangkad ka matangkad ka, at kung pandak e pandak din!

Personal…

Salamat my friend, Ricky F. Lo for sharing, Ethel Ramos walang iba pa always caring sa mga friend and Ronald Constantino. Watch na kayo ng It’s Showtime sa portion ng question and answer ng magaganda, matatalino, at edukadong mga contestant na beki. Maganda si Jackie na love ni Vice Ganda at si Greg, look-a-like ni Ricky Lo, para silang kambal.

vuukle comment

TRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with