^

Pang Movies

TV host naka-jackpot ng P35 million sa casino

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Nagbunga ang pagtatambay

It’s nice to be back!

Naku, Ateng Salve, marami akong mga kaibigan na nakatsikahan noong nasa Los Angeles, California ako at kapag nadadako tungkol sa casino ang usapan namin at nababanggit nila na kapag nagbabakasyon sila sa Pilipinas at napupunta sa entertainment city diyan sa Pasay, aba, ang madalas daw nilang makita ay ang isang comedian/TV host.

Actually, kahit naman ang ibang mga kaibigan ko na tagarito sa atin, madalas talagang makita ang comedian/TV host.

Noon nga, may nagkuwento na nanalo ito ng jackpot sa slot machine.

Bale P35 million pesos daw ang napa­nalunan ni comedian/TV host.

Kung ganoon kalaki ang napanalunan niya, gaano naman kaya kalaki ang naipatalo na niya?

Well…

Erik nagka-rashes dahil sa stress sa concert

Bukas na ang concert ni Erik Santos, ang My Greatest Moments, na 15th anniversary celebration din niya.

Excited ako na manood, Ateng Salve, dahil may 15 special guests siya, huh!

Siyempre, kasama na roon ang na-link sa kanya noon na si Angeline Quinto.

Sana, mapuno ni Erik ang MOA Arena dahil marami naman talaga siyang mga fan na gustong mapanood ang greatest moment na ito sa kanyang career.

Sana rin kapag nag-perform na si Erik bukas ay wala na ‘yung rashes niya sa mukha.

Sabi ni Erik, kulang daw kasi siya sa tulog at nae-stress din dahil nga sa big event na ito, kaya bigla raw siyang nagka-rashes.

Anyway, bukod nga pala sa 15 special guests (at may iba pa raw na surprise), marami ring mga sikat na celebrity na manonood ng concert ni Erik.

Isa sa nagsabing manonood ay si Pops Fernandez.

Ang alam ko, marami ring biniling tickets si Gretchen Barretto para sa My Greatest Moments concert.

The Clash tatapusin na

Feeling ko September 30 na ang finale night ng The Clash, ang singing competition show ng GMA 7 na iniho-host ni Regine Velasquez-Alcasid.

Sa October 5 na kasi ang simula ng R3.0 USA Tour ng Asia’s Songbird.

After kaya ng finale ng The Clash ay matuloy na ang special announcement ni Regine tungkol sa noon pa ay pinag-uusapang nalalapit niyang pag-alis sa GMA 7?

Naku, inaabangan na ‘yon ngayon pa lang!

Anyway, masaya nga pala si Regine para sa kanyang USA concert tour dahil special guest niya roon ang mister na si Ogie Alcasid.     

Ginagawang project ng mga orig na sanggre, pang-iFlix pala

‘Yung project pala ng grupo nina Iza Calzado, Sunshine Dizon, Karylle at Diana Zubiri ay para sa iFlix.

Fantasy raw ‘yon na ang grupo nila ang producers at si Mark Reyes ang direktor.

Tutok daw ang apat na ‘Sanggre’ sa proyektong ito.

Pati raw sa ibang mga artistang kinukuha nila, basta puwede, nakikipag-usap daw ang apat.

Mukhang big production ang first project ng apat. Sa istoryang narinig ko, mukhang sobrang laki ng budget nila.

Mukhang wala namang magiging problema dahil sure naman na babalik ‘yon dahil babayaran naman sila ng iFlix.

Ang mga fan naman ng apat, ay sobrang excited na raw sa proyekto nilang ito.

vuukle comment

ERIK SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with