^

Pang Movies

Richard Merk at misis nagkakalabuan dahil sa datung!

Aster Amoyo - Pang-masa
Richard Merk at misis nagkakalabuan dahil sa datung!
Richard Merk

MANILA, Philippines — Kahit sino ang makabasa sa magkakasunod na rant sa kanyang Facebook account last Tuesday morning, September 18 ng veteran jazz artist na si Richard Merk ay mapapaisip na may problemang namamagitan ngayon sa pagitan ng singer-performer sa kanyang wife, ang dating bank executive na si Roni Tapia-Merk na ang pinag-ugatan ay may kinalaman sa pera.

Nang maging couple sina Richard at Roni, nakita ng kanilang mga kaibigan and even in public ang pagiging supportive nila at kung gaano nila kamahal ang isa’t isa. Hindi man sila biniyayaan ng sarili nilang anak, dumating naman sa kanilang buhay ang kanilang adoptive daughter na si Manna na sobrang mahal ng mag-asawa.

Just when we thought that everything was rosy sa buhay ng mag-asawang Richard at Roni, dumaraan din sa couple ang maraming pagsubok pero nanati­ling solid at strong ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Nung meron pang Merk’s Bar sa Greenbelt, kilala si Richard sa pangunguna sa paggawa ng fundraising show para matulungan ang ilang mga kasamahan sa industriya na nangangailangan ng financial help.  Pero nung nakaraang taon (April and May), ang isa pang jazz icon na si Jacqui Magno naman ang nanguna ng dalawang magkahiwalay na fund raising show para matulungan naman ang magkahiwalay na medical treatment ng mag-asawang Richard at Roni. Si Richard ay nagkaroon ng vehicular accident at kamuntik maputol ang kanyang kanang paa habang si Roni naman ay sumailalim ng o­perasyon at chemotherapy sa kanyang colon cancer, dalawang matitinding dagok na dumating sa kanilang buhay.

Walang alam ang publiko na naibenta na pala ang kanilang mala-palasyong bahay sa Volley Golf at wala ring alam ang publiko na siya’y (Richard) sumailalim ng rehab nitong mag-asawa na sila ni Roni. Si Richard pa ang nagbigay ng clue of information sa publiko tungkol dito na dapat sana’y sa pagitan na lamang nilang mag-asawa o di kaya sa immediate family members  and their closest of friends.

At kung babasahin ang apat na magkakasunod na  post ni Richard  addressed to his wife, masasabi ngang may matinding problema ngayon ang mag-asawa. But why post it in public sa halip na mag-usap silang mag-asawa ng masinsinan?                     

Dahil social media ang ginamit na medium ni Richard para mailabas ang kanyang saloobin sa kanyang misis, hindi maiiwasang makisawsaw ang marami kahit wala silang (public) alam sa totoong pinag-ugatan ng kanilang away at problema ngayon.

Tulad ng maraming kaibigan ng mag-asawang Richard at Roni, isa kami sa umaasa na sana’y ma-resolve ang problema ng dalawa before it gets blown out of proportion.                                                                                                                       

vuukle comment

RICHARD MERK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with