^

Pang Movies

Jenine naniniwalang babait pa rin si Janella

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Jenine naniniwalang babait pa rin si Janella
Jenine at Janella

At dahil nabanggit ko si Janella, naalaala ko ang bagong isyu sa kanila ng kanyang madir na si Jenine Desiderio.

Hurt na naman si Jenine dahil mas kinampihan ni Janella ang driver nito na gumawa ng mali kesa sa kanya.

Bitin ang pakiramdam ng sumusubaybay sa mga nagaganap sa buhay nina Jenine at Janella dahil hindi kumpleto ang detalye na isine-share ni Jenine sa followers nito.

Kahit may mga emote si Jenine sa social media, maingat pa rin siya sa pagbibigay ng detalye dahil estranged man sila ngayon ni Janella, mahal na mahal niya ang panganay na anak.

Hindi ko nakakalimutan ang sinabi ni Jenine tungkol kay Janella sa isang interbyu sa kanya, “In spite of all that happened, I believe my daughter, in her heart of hearts, is still good.”

Parehong dumalo ang mag-ina sa 80th birthday celebration ni Mother Lily Monteverde noong August 19 pero kahit nasa iisang lugar, hindi sila nagbatian.

Nanay rin ako kaya alam ko ang pinanggagali­ngan ni Jenine. Walang ina o magulang na nag­hangad ng masama para sa anak niya. Ipagdasal natin na maging maayos na uli ang relasyon nina Jenine at Janella dahil sayang ang panahon na hindi sila nagkakasama.

Starring nga pala si Jenine sa The Hopeful Romantic, ang sex comedy movie nina Ritz Azul at Pepe Herrera na showing pa rin sa mga sinehan.

Markado ang role ni Jenine sa pelikula ng Regal Entertainment Inc. dahil siya ang gumanap na ‘booking agent’ ng karakter na ginam­panan ni Ritz.

Showbiz personality affected ang raket sa pinagdaraanan

Worried na worried ang relatives ng isang showbiz personality dahil sa mga nangyayari sa buhay nito.

Affected ang career ng showbiz personality ng mga isyu na kinasasangkutan kaya ramdam ng lahat, lalo na ng kanyang mga kamag-anak ang pagbaba ng market value niya.

May dahilan para mag-alala ang mga kamag-anak dahil ang showbiz personality ang milking cow nila. Umaasa sila sa showbiz personality na forever nang breadwinner ng pamilya.

May kasalanan ang showbiz personality dahil masyadong na-spoil ang mga miyembro ng kanyang pamilya. Walang stable job ang mga kamag-anak na natatakot para sa kanilang kinabukasan dahil nasanay na sila na humihingi ng datung sa showbiz personality na nabawasan na ang mga source of income.

Lauren may chance sa Korea

Guest star din si Lauren Young sa K drama Where Stars Land at nag-taping na siya ng kanyang mga eksena noong Sabado, September 15.

Sina Lauren at Ejay Falcon ang mga Pinoy actor na masuwerte na napili na umapir sa Korean television mini-series na mapapanood sa Seoul Broadcasting System, simula sa October 1.

May karapatan si Lauren na mapanood sa isang international television show dahil magaling siya na artista.

Hindi pa nakakalimutan ng fans ang bonggang performance niya bilang main kontrabida sa Contessa.

Kinasuklaman si Lauren ng viewers ng afternoon drama series ng GMA 7 dahil sa effective acting niya pero sa tunay na buhay, love na love siya ng production staff.

Ang sabi ng Contessa staff, isa si Lauren sa mga artista na masarap na katrabaho dahil mabait sa kanyang co-workers, walang kaarte-arte sa katawan at team player siya.

Si Pia Magalona ang kasama ni Lauren sa South Korea. Okey na okey ang relasyon ni Lauren kay Pia na nanay ng kanyang ex-boyfriend na si Elmo Magalona na boyfriend ngayon ni Janella Salvador.

vuukle comment

JENINE DESIDERIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with