^

Pang Movies

Catriona ‘di pa rin maka-move on sa pagrampa sa fashion show ni Sherri Hill

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Catriona �di pa rin maka-move on sa pagrampa sa fashion show ni Sherri Hill
Catriona Gray

Hindi pa rin makapaniwala si Miss Universe Philippines 2018 Catriona Gray sa pag­rampa niya sa fashion show ng designer na si Sherri Hill noong nakaraang New York Fashion Week.

Dalawang magagandang gowns ng designer ang sinuot at nirampa ni Cat kasabay ang mga model.

Nag-upload si Cat sa kanyang Instagram ng mga videos at marami siyang natanggap na magagandang comments mula sa netizens.

Sa isang interview ni Cat, hindi siya makapaniwala na nakatanggap siya ng invitation mula sa designer na maglakad sa fashion nito on NYFW.

“When I got the call back in Manila, I was incredulous, to be flown to NYC to work with Sherri Hill — I couldn’t believe it, ako ba?

“Thank you Sherri Hill for the amazing opportunity and for seeing something in me!”

Kahit na nag-model siya for Sherri Hill, ang isusuot na evening gown ni Cat sa Miss Universe pageant ay gawa ng isang Filipino designer.

Gaganapin sa Bangkok, Thailand on December 17 ang 2018 Miss Universe.

Kiray na-bash sa pagsusuot ng Leather jacket sa HK

Paboritong i-bash ng internet trolls ang aktres na si Kiray Celis sa social media accounts nito.

Nag-post si Kiray sa kanyang IG noong nakaraang September 8 ng naging bakasyon sa Hong Kong.

Maraming natuwa sa post ni Kiray, lalo na ‘yung mga followers niya na nakita siya in person sa Hong Kong.

Pero hindi pa rin mawawala ang basher na pinuna ang suot ni Kiray.

“Naka-leather jacket ka na naman, malamig ba sa HK? @kiraycelis” tanong pa ng netizen.

Pa-comedy naman na sinagot ito ni Kiray:“Sexy yung blouse ko kaya ako nag jacket. Minsan hindi porket nag jacket malamig. Minsan po fashion statement din. AND I THANK YOU!”

Natuwa ang 872,000 followers ni Kiray sa pagsagot nito sa basher at pinagtanggol naman nila ang aktres sa mapang-okray na basher.

Matthew Perry tatlong buwang nasa ospital dahil sa ‘ruptured bowel’

Na-confine pala ng tatlong buwan sa ospital ang Friends star na si Matthew Perry dahil sa pag-undergo ito ng gastrointestinal surgery.

Dinala si Perry, na mas kilala bilang si Chandler Bing sa hit series na Friends, sa Los Angeles Medical Center to repair a gastrointestinal perforation, a.k.a. a ruptured bowel.

Ang ruptured bowel ay isang “hole in the gastrointestinal tract and could lead to a serious infection or other complications if not treated.”

Hindi naman daw naging specific si Perry kung na-discharge na ba siya sa ospital o kung maayos na ang pakiramdam niya.

Naging open si Perry noon sa kanyang struggle with alcohol abuse at smoking. Dalawa raw ito sa puwedeng maging sanhi ng kanyang naging sakit.

But the 49-year old actor has been sober for 17 years since entering rehab noong 2001.

Bukod daw sa gastrointestinal infection, maari ring magdulot ang paninigarilyo at pag-inom ng alak ng mga sakit na appendicitis, stomach ulcers, gallstones and Crohn’s disease.

vuukle comment

CATRIONA GRAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with