^

Pang Movies

Carlo naki-angkas na rin kina Angelica at Zanjoe

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Carlo naki-angkas na rin kina Angelica at Zanjoe
Angelica Panganiban at Carlo Aguino

Guess, Salve A., kung sino pa ang makakasama nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo sa series na Playhouse, na eere na today bago mag-It’s Showtime?

Si Carlo Aguino.

Sina Angelica at Carlo ay may movie ngayon together, ang Exes Baggage na ipapalabas na in theathers nationwide before September ends.

Bagama’t, dati nang mag-sweethearts sina Carlo at Angelica and twice na ring nag-break, umamin ang dalawa na mas close na raw sila ngayon kesa dati. Duda silang magkakaroon ng third time around ang kanilang relasyon. They both realized daw na mas maganda ang samahan nila sa pagiging magkaibigan.

Pareho din naman nilang inamin na loveless sila.

Samantala, katulad nina Carlo at Angelica, loveless din daw si Zanjoe pero may nililigawan ata siyang non-showbiz girl.

Medyo matagal na ring walang lovelife si Zanjoe, mula nang mag-break sila ni Bea Alonzo who is currently in a relationship with Gerald Anderson.

Bea has just completed shooting for a movie, First Love, na first team-up niya kay Aga Muhlach.

Of Gerald, Isang series naman ang nakatakdang gawin niya before the year ends. Meanwhile, he keeps himself busy with his numerous sports activities.

Luigi handa nang maurirat ng press

 Nakabalik na si Luigi Revilla na nagbakasyon sa Paris for nearly a month.

Tulad ng mga kapatid niyang sina Jolo at Bryan Revilla, ready na rin daw siyang makipagtsikahan sa entertainment media.

Like Vice Jolo at Bryan, meron ding sariling episode si Luigi sa action Trilogy nilang Tres.

Ang 72 Hours at Virgo ay episode nina Jolo at Bryan, habang ang kay Luigi naman ay Amats.

For his leading ladies, he has Assunta de Rossi at Mytle Sarossa at mula naman ito sa direksyon ni Dondon Santos.

Ang Tres naman ay mula sa produksyon ng Imus Productions na pagmamay-ari ng mga Revilla.

Mag-uumpisa na ang nasabing pelikula sa October 3 in theaters nationwide.

Star Cinema is in charge of the films distribution, here and abroad.

Kathniel movie ayaw pa ring paawat!

 Ayaw pa rin paawat bilang top winner ng Star Cinema movie na The Hows of Us na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Close to P700-M na ang gross ng pelikula in three weeks.

Idinirek ito ni Cathy Garcia-Molina at mula naman sa concept ni Carmi Raymundo, one of the Creative heads ng Star Cinema.

Tinanong namin kung naranasan na ba ni Carmi ang nangyari kay Kathryn bilang George sa movie. Tumatawa lang na sagot niya ay “hindi pa.”

Ganunpanam, natutuwa raw siya dahil nakakatanggap daw ng feedback ang Star Cinema, yes, from moviegoers na marami ang nakaka-relate sa characters na gina­gampanan ni Kathryn, as well as ni Daniel, bilang Primo naman.

Overwhelming naman ang feeling na naramdaman ni Darren Espanto, who is introduced sa The Hows of Us.

Dahil daw sa pelikulang ito, nakasama ni Darren ang crush niyang si Kathryn.

“At may bonus pa,” dugtong ni Darren. “Most of my scenes with Kathryn (they play brother and sister were shot in Amsterdam) were shot in Amsterdam.

“First time kong makarating sa Amsterdam.”

Darren was born and grew up in Canada.

Of Kathryn, she said nakapamasyal na siya with her family sa Amsterdam at Dream daw talaga niya na muling mabisita ang lugar.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

CARLO AGUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with