^

Pang Movies

MayWard may pagmamahal at pagpapatawad sa Wansa

Pang-masa

MANILA, Philippines —  Matapos ang lahat ng kanyang sakripisyo para sa mga mahal sa buhay, unti-unti nang babalik kay Espie (Maymay Entrata) ang lahat ng kanyang kabutihan ngayong magkakapatawaran na sila ng kanyang ina at matutuloy na ang naudlot nilang pagmamahalan ni Vincent (Edward Barber) sa huling dalawang linggo ng  Wansapanataym Presents: Ikaw ang GHOSTo Ko.

 

Nakulong na nga ang traydor na tiyuhin ni Vincent matapos madiskubre ni Espie na itinatago nito ang nag-aagaw-buhay na katawan ng binata mula sa awtoridad. Dahil dito, madali nang makakabalik ang kaluluwa ni Vincent sa katawan nito, at hindi na mahahadlangan pa ang pag-ibig niya para kay Espie.

Ngunit isa pang sorpresa ang babago sa buhay ng dalaga ngayong magkikita ng muli ang kanyang ina matapos ang mahabang panahong pagkawala nito.

Madali kayang mahanap ni Espie sa kanyang puso ang magpatawad para sa ikaaayos ng kanilang pamilya at ikatatahimik ng kaluluwa ng yumao niyang ama?

Panoorin ang mga eksenang kapupulutan ng aral sa Wansapanataym Presents: Ikaw ang GHOSTo ko sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

vuukle comment

WANSAPANATAYM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with