^

Pang Movies

Mga artistang nag-iilusyon sa senado nadadagdagan

OVERLOAD - Pang-masa

Nakakaloka kung iisipin na habang nalalapit ang eleksyon ay mas dumarami ang pangalan ng mga sikat na personalidad na nagnanais ma­kilahok sa halalan at tumakbo sa maraming posisyon na nakalaan, lalo na sa pagka-senador.

 

Nariyan sina Mocha Uson, Jiggy Manicad, Dingdong Dantes, Agot Isidro at Makati Cong. Monsour del Rosario.

Mukhang hindi sila nadi-discourage sa mga sinapit ng mga naunang mga colleagues nila na tumakbo at natalo, at maging nung mga nanalo. Hindi nila naisip na hindi na maganda ang imahe ng mga pulitiko at makakasama na nila sila o baka naman layunin nila na mapaganda ang imahe ng mga artistang naging pulitiko sa gagawin nilang paglilingkod. Sana lang hindi sila makain ng sistema.

Namanhikan na!

Magandang senyales yung magandang relasyon sa pagitan ng mga magulang ni Carlo Aquino at Angelica Panganiban. Dating mag-dyowa ang ngayon ay hinuhulaang magkakabalikang pareha na napanatili ang kanilang pagkakaibigan kahit naghiwalay na sila.

At maganda pa rin ang relasyon ng mga magbibiyenang hilaw. At bahagi man o hindi ng promos­yon ng kanilang pelikulang Excess Baggage ang maganda nilang samahan, naniniwala ang lahat na mas posible na may damdaming muling nanumbalik sa kanilang muling pagsasama sa trabaho.

 Samantala, biglang entra naman si Zanjoe Marudo sa relasyong Angelica/Carlo. Maaring dahil sa magsisimula nilang serye sa ABS-CBN na Playhouse kung kaya sila ini-lilink sa isa’t isa. Pero, huwag nating kalilimutan na parehong single ang dalawa at kasing haba ng friendship ni Angelica kay Carlo ang pagkakaibigan nila ni Zanjoe.

 Mga ini-evacuate sinasakay

sa truck na walang bubong

Bakit naman sa mga trak na walang bubong isinakay yung mga napanood sa TV na inilikas at dinala sa mga evacuation center. ‘Di bale kung walang ulan pero ‘yung nakita sa TV ay nagmistula silang mga kawawa dahil nabasa sila ng ulan. Iisa lamang ang napanood na may dalang payong, ang mga ibang kasakay nila ay pawang nakayuko lamang habang  inuulan.

Nailigtas man sila sa anumang sakuna na dala ni Ompong pero, baka naman magkasakit sila at mamatay din kapag dinapuan sila ng trangkaso, sipon kundi man ang mas grabeng pulmonya at pneumonia.

Nakikisimpatiya naman ako sa mga lugar at tao na dinaanan ng bagyong Ompong. Hindi lang marahil takot at kaba ang naramdaman nila kundi ang pag-aalala sa mga tahanan at pag-aari na iniwan nila para lang makaligtas sa bagyo.

Takot sila na baka wala na silang mabalikan sa kanilang paguwi sa kanilang mga tahanan. Kundi man ito sinira ng bagyong Ompong ay baka naman sinamantala na ng masasamang loob.

Tayo sa Metro Manila ay walang magawa kundi magdasal na humina na si Ompong at agad lumabas ng bansa. Lalo na dun sa mga hindi pa nakakaraos at baha pa rin na dulot ng habagat.

Let’s all pray together and help each other in every way we can. Veroica SaMio

vuukle comment

DINGDONG DANTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with