^

Pang Movies

Jasmine inis sa pagtawag sa kanya ng anorexic!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Laging biktima ng body-shaming sa social media si Jasmine Curtis-Smith at maraming nagtatawag sa kanya na isa siya anorexic.

 

Noong mag-post si Jasmine ng mga photo niya na naka-bikini noong magbakasyon siya sa Bali, Indonesia, tinawag na siyang anorexic.

Naturally skinny raw si Jasmine at wala siyang eating disorder. Nagtataka siya kung bakit patuloy ang pagba-body-shame sa kanya.

Diin ng aktres na sana ay maging sensitive ang ilang netizens sa paggamit ng word na anorexic.“That’s a bit harsh. For me, I personally know friends na pinagdaanan ‘yon, so sana mag-ingat ‘yong mga tao bago magsalita,” pakiusap ni Jasmine sa kanyang interview sa Balitanghali.

Pero nagpasalamat naman si Jasmine sa ibang netizens na maganda ang mga sinabi tungkol sa kanyang katawan.

 Mapapanood soon si Jasmine sa GMA teleserye na Pamilya Roces.

Nanay ng isang drama actress, tsinugi sa trabaho ang mga taong dating tumulong sa kanila

How true na tsinugi na raw ng ina ng drama actress ang ilang tao na matagal nang tumutulong sa anak niya? Ito ang mga taong nasa likod ng kanyang anak noong nagsisimula pa lang itong magkapangalan.

Ngayon at may malaking name na ang drama actress, nagtanggal na raw ang ina nito ng mga taong hindi na nila kailangan dahil may mga bago na siyang mga nakilalang mga tao na mas makakatulong sa anak niya.

Lungkot na lungkot nga ang ilang tauhan na tsinugi dahil malaki nga naman ang naging sakripisyo nila noong nagsisimula pa lang si drama actress na magkaroon ng name.

Napansin na rin nila na nagbago na ng ugali ang ina ng drama actress noong may mga lumalapit ng mga malalaking tao rito.

“Iba na silang magsalita. Kung noon nakakasama namin sila sa lahat ng lakad nila, ngayon hindi na kami sinasama kasi may iba na silang mga kakilala. Hanggang sa pagtawag na lang sa cell phone ang communication namin sa kanila.”

Kaya noong tsugiin sila bigla para sa mga bagong tauhan, inasahan na rin nila iyon dahil hindi na nga raw ito ang taong una nilang minahal at inalagaan.

Masyado na raw silang nilamon ng tagumpay at umakyat na nga ito sa ulo nila.

“Kanya-kanyang panahon naman ‘yan, eh.

“Bilog ang mundo at magkikita-kita rin kami. Sana lang ay hindi namin sila makita sa ibaba dahil doon sila papunta kung patuloy ang pagpasok ng tagumpay sa ulo nila.”

Henry Cavill mas pinili ang Netflix kesa sa Superman

Maraming DC fans ang nalungkot nang bitiwan na ng aktor na si Henry Cavill ang pagganap bilang Superman sa mga future project ng DC Extensive Universe.

Gumanap si Cavill bilang si Superman sa Man of Steel noong 2013; Batman V. Superman noong 2016 at Justice League in 2017.

Hindi raw naging maganda ang pakikipag-negotiate ni Cavill at ng kanyang mga tauhan with Warner Bros kaya nag-desisyon sila na iwan na ng aktor ang pagganap bilang Superman.

Magkakaroon sana ng cameo role si Cavill as Superman sa upcoming DC film na Shazam! Pero doon na sila nagkaroon ng problema kaya nagpaalam na si Cavill sa kanyang pagganap as Superman.

Dahil sa maghahanap pa ang Warner ng bagong gaganap na Superman, mag-focus daw muna sila sa isang Supergirl movie.

“Ayon pa sa isang source from Warner, mas pinili raw ni Cavill ang gawin ang isang Netflix series titled The Witcher kaya hindi siya maka-commit sa binigay na schedule sa kanya para sa Shazam!

vuukle comment

ANOREXIC.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with