^

Pang Movies

Ompong pinatapos ang birthday ni Edu bago rumagasa

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Ompong pinatapos ang birthday ni Edu bago rumagasa
Edu

Parang hinayaan muna ni Super Typhoon Ompong na palipasin ang birthday ni Edu Manzano bago siya nagdala kahapon sa Metro Manila ng malalakas na hangin at buhos ng ulan.

 

Noong Friday, September 14 ang birthday ni Edu pero imbes na mag-celebrate o magbakasyon, nag-taping siya para sa kanyang mga eksena sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Tuwang-tuwa ang co-stars at production staff ng primetime te­leserye ni Coco Martin dahil may pa-lechon sa set si Edu.

Bago siya nagdiwang ng kaarawan noong Biyernes, ilang araw nang pinag-uusapan si Edu dahil sa kanyang superb acting bilang salbahe na bise-presidente ng Pilipinas sa Ang Probinsyano.

Sa sobrang galing ni Edu, Lucas Cabrera at hindi na Edu ang tawag sa kanya ng mga tao na hate na hate ang mga kasamaan niya. Kahit kathang-isip lang ang karakter ni Cabrera, buwisit na buwisit sa kanya ang televiewers na naniniwala na may mga vice president na talagang masasama dahil sa almost perfect portrayal ni Edu.

Of course, alam naman ng madlang-bayan na hindi masamang tao si Edu sa tunay na buhay dahil generous at matulungin siya.

I should know dahil isa ako sa mga makapagpapatunay ng genero­sity ni Edu. As always, maayos na ka­lusugan, liglig at umaapaw na mga biyaya ang mga birthday wish ko para sa kanya.

How I wish na maulit ang lunch treat ni Edu sa amin na hindi pa yata puwedeng mangyari sa lalong madaling panahon dahil busy nga siya sa taping ng Ang Probinsyano.

Luigi at Assunta may May-December affair?!

Nakabalik na si Luigi Revilla mula sa family vacation nila sa Europe kaya siya naman ang susunod na haharap sa entertainment press.

Si Luigi ang half-brother nina Bryan at Jolo Revilla pero tunay na kapatid ang trato sa kanya ng mga anak nina Bong at Lani Mercado.

Gaya nina Bryan at Jolo, bida si Luigi sa Tres, ang pelikula ng Imus Productions na mapapanood sa mga sinehan sa October 3.

Amats ang pamagat ng episode na tinatampukan ni Luigi sa trilogy movie ng Imus Productions at si Assunta de Rossi ang kapareha niya.

May mga nagtatanong kung love interest ba ni Luigi si Assunta sa Amats o meron sila na May-December affair sa pelikula? Mas makabubuti na si Luigi ang tanungin dahil siya lang ang puwedeng makasagot.

Noong 2002, si Assunta ang kapareha ni Bong Revilla, Jr. sa Kilabot at Kembot na co-production venture ng GMA Films at ng Imus Productions.

After 16-years, ang anak na ni Bong na si Luigi ang leading man ni Assunta sa Amats episode ng Tres.

Maingay na maingay ang Kilabot at Kembot dahil si Assunta ang hottest sexy star noon. Lalong umingay ang pelikula dahil sa sizzling scene na ginawa nila ni Bong na pinagpistahan ng mano­nood.

Hindi pa senador si Bong noong 2002 pero nagli­lingkod na siya sa pamahalaan bilang chairman ng Videogram Regulatory Board dahil sa appointment sa kanya ni former President Gloria Macapagal-Arroyo.

Hindi na naulit ang pagpapaseksi ni Bong sa pelikula tulad nang ginawa niya sa Kilabot at Kembot dahil noong 2004, kumandidato siya na senador at nanalo.

vuukle comment

EDU MANZANO

TYPHOON OMPONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with