^

Pang Movies

Katrina nawalan na ng interes sa lalaki

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Katrina nawalan na ng interes sa lalaki
Katrina

Hindi raw alam ni Katrina Halili kung kailan siya makakaramdam ng pag-ibig ulit.

 

Dahil daw sa rami ng ginagawa niya, nakalimutan na raw niya ang pakiramdam na kinikilig.

“Ewan ko nga ba? Basta naging ganito na lang ang feeling ko. Mas naging tutok ako sa anak ko, sa career, sa negosyo. Parang nawala na ‘yung ability ko na kiligin.

“Siguro kapag dumating ang tamang tao para sa akin, doon ulit ako makakaramdam ng kilig. Sa ngayon talaga, wala as in, di pa ako ulit nakakaramdam ng kilig,” tawa pa ni Katrina.

Kahit daw pakikipag-date ay hindi na nagagawa ni Katrina.

“Paano magde-date, eh wala ngang nagpaparamdam sa akin.

“Siguro nararamdaman din ng mga lalaki na wala kong interes na makipag-date.

“Okey lang naman na lumabas ako, pero sa totoo lang mas gusto kong umuwi at makasama ang anak ko,” diin pa niya.

Bukod kasi sa kanyang teleserye na The Stepdaughters, tinapos din ni Katrina ang ToFARM official entry na Mga Anak Ng Kamote kung saan deglamourized siya.

“First time ko na gumawa ng movie na walang make-up, panget ang suot ko. As in, chaka ako sa whole movie. Pinadama sa akin ang character ko na probinsyana at wala akong masyadong dialogues.

“Kung sa The Stepdaughter ang ingay ko, ‘di ba? Dito sa movie, halos wala kong imik. Na-challenge ako kasi parang napahinga ang buong katawan at utak ko. Masarap pala ‘yung tahimik lang!” tawa pa niya ulit.

Kasama rin sa cast sina Alex Medina, Carl Guevara, Kiko Matos at Lui Manasala.

Nagsimula ang ToFARM Film Festival noong September 12 at matatapos ito sa September 18.

Nick Jonas nilotanya kung paano sila nagkainlaban ni Priyanka Chopra

Hindi pinagdamot ng singer na si Nick Jonas ang kuwento ng love story nila ng Bollywood actress and former Miss World na si Priyanka Chopra sa The Tonight Show Starring Jimmy Fallon.

Ayon kay Nick, meron silang common friends na matagal na silang gustong i-fix up.

Kahit hindi pa sila nagkakakilala in person, nagte-text na sila sa isa’t isa for six months. Hanggang sa magkita na sila, face-to-face, sa Met Gala 2017.

“We had a great time but our lives were kind of taking us in different places,” sey ni Nick.

Sa mga sumunod na weeks na nagkakasama sila ni Priyanka, platonic lang daw ang naging relasyon nila. Hanggang sa mauwi na raw sa totohanang romance.

“People thought we were being coy, and so did we until we cut to now and we’re engaged. So, the story sort of wrote itself.

“It was kind of immediate, and I think we just knew it was right and jumped right in. And we’re very happy,” ngiti pa ni Nick.

Nagkuwento rin ang singer ng naganap sa engagement party nila sa India na kung tawagin ay Roka ceremony.

“But it was really special. And, for she and I, I think it was just nice to be able to have that time with the family first and then be able to share with the world afterwards.

vuukle comment

KATRINA HALILI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with