^

Pang Movies

Sharon, Anne, at iba pang celebrities masigasig ang dasal sa bagyo!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Sharon, Anne, at iba pang celebrities masigasig ang dasal sa bagyo!
Sharon

Sama-sama pa rin ang sambayanan sa pagdarasal na huwag matulad sa bagyong Yolanda ang perhuwisyong dala ng bagyong Ompong. Ngayong araw na ito ang forecast na lalapag ang bagyo sa bandang Northern Luzon.

 

Ilan sa celebrities na nanagawan ng dasal para huwag makapaminsala ang Bagyong Ompong ay sina Sharon Cuneta, Anne Curtis, Christine Bersola,  at AiAi delas Alas. May mga matatapang namang celebs na gaya nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali na bumiyahe sa Cebu para sa isang mall show.

Eh kung may natutuwa sa mga forecast ng PAGASA tungkol sa bagyo, may ilang netizens namang nangungutya lalo na nu’ng nagdeklara sa ilang syudad na walang pasok. Kasi naman, nu’ng Miyerkules na sinabing maaapektuhan ang Metro Manila pati na kahapon, Biyernes, matindi ang sikat ng araw, huh!

May ilang posts namang nagsabi na ang tanging bagyong Yolanda ang nakatalo kay bagyong Ompong dahil hindi masyadong dama ang lakas nito.

Naku, kesa kantiyawan ang PAGASA at kumuda nang kumuda, magdasal na lang tayo na iligtas ang kababayan nating maaaring maapektuhan ng bagyo, huh!

Eh sa mga movies na ipinalas last Wednesday, hindi man naapektuhan ng ulan ang Regal movie na The Hopeful Romantic, apektado ito ng kakulangan sa sinehan sa Metro Manila kahit na nga maganda at nakakatawa ang pelikula, huh!

Pangarap ding Maging lifestyle reporter

Pinayuhan ng current Miss World Philippines na si Laura Lehman ang isa sa kandidata ngayon ng pageant na si Monique Cuyugan Tuzon na huwag pansinin ang mga negatibong comments sa kanya.

Basta si Monique, desidido na magbawas pa ng timbang para maging kaakit-akit ang dating niya sa finals night sa October 7.

Sa totoo lang, nanalo si Monique bilang Miss Asian Carolina last 2012 pero ginusto pa rin niyang sumali sa Miss World PH dahil sa magandang training na makukuha niya rito.

Eh kahit nagwu-work siya sa Solar Entertainment Network bilang producer at reporter, hindi naman sagabal ito sa pagsali niya sa pageant. Pero sa totoo lang, ang maging lifestyle reporter ang ambisyon niya dahil sa hilig niya sa travel at foodie.

Pero kung manalo, isang malaking blessing na ito sa kanya dahil alam niyang maraming opportunities na magbubukas para sa kanya. Kung sakaling alukin siyang mag-aartista eh bukas din ang isipan niyang sumabak sa acting.

vuukle comment

BAGYONG OMPONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with