^

Pang Movies

Pokwang paulit-ulit na tinawag na tanga, bobo ang follower

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Pokwang paulit-ulit na tinawag na tanga, bobo ang follower
Pokwang

Pinatulan ng komedyanang si Pokwang ang patutsada sa twitter na nakakabili nga siya ng siling labuyo na sinasabing P1,000 ang isang kilo pero hindi siya nagkakabayad ng kuryente. May konek ito sa nag-viral na video ng komedyana na umaakting na mas mahal pa raw sa diamonds ang siling labuyo na suot niyang necklace na made of siling labuyo kahapon. “Tanga ka kasi lahat kami busy sa bahay at may bata akong maliit na may sakit kailangan ng kuryente bobo ka! Wag kang epal kasi wala kang alam sa totoong ganap! di ko alam salitang KONSUDERASYON? Kuryentihin kaya kita ng gumana utak  mo? di yung bash ka ng walang saysay!! Tanga!,” sabi ng komedyana na Marietta Subong ang user name sa twitter.

 

Maalang naputulan nga ng kuryente ang bahay ng Kapamilya comedy actress matapos hindi nga agad makabayad ng bills dahil daw sa kaaligagaan sa trabaho at pag-aalaga sa anak. 

Maris malaki ang bilib sa pagmamahal

Matapos pasukin ng actress-singer at girlfriend ni Inigo Pascual na si Maris Racal ang recording - sa kanyang pinakahihintay na debut album, ang Stellar sa ilalim ng Star Music sublabel na Star POP, ngayon naman ay magkakaroon launching ang kanyang Love Is Easy music video, na mapapanood simula Miyerkules (Setyembre 19). 

Isa lamang ang Love Is Easy sa limang tracks na nakapaloob sa solo album ni Maris. Tampok din sa nasabing pop album hindi lang ang kanyang magandang boses kundi pati na rin ang kanyang galing sa pagsusulat ng mga kanta.

“Love is meant to be celebrated, kahit ano pang aspeto, gender, o paniniwala. Love is free, and love is for everyone,” sabi nito sa isang interview na alam mong in love nga.

 Stellar includes four of her original compositions Tala, Ikaw Lang Sapat Na, Tayo Na Di Tayo, and Love Is Easy.

vuukle comment

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with