^

Pang Movies

Parang ‘di mag-asawa, Erwan by appointment na rin ang dinner kay Anne

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Parang �di mag-asawa, Erwan by appointment na rin ang dinner kay Anne
Anne

Binuko na nga nila ang katotohanang gusto na ring magkaroon ng baby ni Anne Curtis. Eh ano naman ang nakakapagtaka roon eh may asawa na naman iyong tao. Ang kailangan lang niya ay humingi ng bakasyon dahil ina­min naman niyang wala na siya halos panahon para sa kanilang pamilya.

Minsan nahihiya na nga raw siya sa kanyang asawang si Erwan Heussaff, dahil para pa iyong humihingi ng appointment sa kanya para sila makapag-private dinner na dalawa.

Pero hindi naman umaangal si Erwan sa schedules ni Anne, kasi naman nililigawan pa lang niya iyon ay alam na niya kung gaano nga ka-busy ang actress/TV host. Alam din naman niya ang demands ng isang acting career dahil ang kapatid niyang babae, si Solenn Heussaff ay artista rin.

Pero siguro kung magkaka-baby na nga sina Anne at Erwan, napakagandang bata niyan.

Clique 5 naghahanda na sa launching movie

Nagulat pa kami nang sabihin ng aming colleague na si Leo Bukas na isang taon na pala simula nang itatag ang boyband na Clique 5. Isang taon na rin ang 3:16 Talent Management na siyang nagbuo naman ng boyband na ‘yan.

Sa loob ng isang taon, nakagawa na sila ng sarili nilang CD, ang dami na rin nilang nagawang out of town performances. Nagkaroon na rin sila ng sarili nilang concert. At ngayon, sinasabi ngang may gagawin silang pelikula.

Hindi lang kasi sila sa pagkanta at pagsayaw sinanay, sumailalim din sila sa acting workshops. Ang kanilang pelikula na sisimulan na raw sa susunod na buwan ay isang dance movie. Ang kuwento ay inspired ng mga sayaw at magpapakita sila ng kanilang kahusayan sa pagsayaw sa gagawing pelikula. First time na magkakaroon ng isang pelikulang Pilipino na sayaw ang ipakikita.

Kailangan natin ang mga ganyang klaseng mga pelikula, tipong experimental dahil naiiba sa dati na nating napapanood - baguhan nga ang mga artista kagaya niyang members ng Clique 5, pero alam mo namang pinagkagastahan para masiguro ang kalidad ng pelikula. Hindi iyan kagaya ng ibang mga pelikulang binarat lang ang pagkakagawa.

At dahil sa isang dance movie nga ‘yan, tiyak na panonoorin ‘yan ng mga kabataang gustong makita ang mga latest dance steps. In fact, pinag-aaralan na nila ang latest dance steps mula sa US at Europe, na hindi masyadong nakikita dito sa atin ngayon.

Magandang move ang ganyan para lalo silang makilala hindi lamang bilang isang boy band na marunong kumanta, at nakaka-arte, kundi bilang isang dance squad din.

Sex videos ng character actor noon, nagkalat sa mga gay sites ngayon

Malaki na talaga ang problema ng isang character actor na may asawa na rin naman. Kung kailan nga siya nagka-edad at saka naman kumakalat ang mga nagawa niyang ‘personal sex videos’ noong siya ay bata pa. At nagkalat ‘yun sa gay sex sites. Hindi naman niya maawat dahil hindi niya alam kung sino ang pakikiusapan na itigil na iyon. Kasi naman eh, bakit siya nakipaglaswaan noon.

 

vuukle comment

ANNE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with