^

Pang Movies

Julia hindi magpapakita sa EB kahit nasa ‘Pinas na

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Julia hindi magpapakita sa EB kahit nasa �Pinas na
Julia Clarete

Maraming netizens ang natuwa nang malaman nilang nasa bansa pala ang dating Eat Bulaga host na si Julia Clarete at kasama nito ang kanyang husband na si Gareth McGeown.

Mukhang sumaglit lang ng bakasyon si Julia at Gareth sa Pilipinas at nag-post ang former TV host-actress ng aksidenteng pagkikita nila ni Randy Santiago.

Nabanggit din ni Julia na nagkita rin sila ng co-host niya sa EB na si Sam YG.

“This is too funny. Ran into Sam the other night, bumped into Randy Santiago yesterday. Who am I gonna see today?” caption pa ni Julia.

Maraming fans ni Julia ang humiling na magpakita naman daw ito sa Eat Bulaga dahil sobra na nila itong na-miss.

Hindi nga masagot ni Julia ang kanyang fans tungkol sa po­ssibility nang pag-appear niya sa Eat Bulaga ulit. Iba na kasi ang buhay ni Julia at mas pinili niya ang tahimik na buhay kasama ang pamilya sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Juliana nasanay na matatanda ang kausap

Marami ang hindi pa rin makapaniwala na 18-years old na ang unica hija nila Ormoc City Mayor Richard Gomez at Congresswoman Lucy Torres-Gomez na si Juliana Gomez.

Simula kasi noong ipinanganak si Juliana, lagi na lang itong napi-feature sa magazines at broadsheets. Lahat ng mga nagiging events ng mag-asawang Richard at Lucy ay lagi nilang kasama si Juliana.

Kaya nasubaybayan ng maraming taga-showbiz ang paglaki ni Juliana hanggang sa maging certified debutante na ito.

Hiniling nga nito ang isang disco-themed party para maka-relate ang ilang mga bisita niya. Aminado si Juliana na lumaki siya na laging kausap ang mga mas matatanda sa kanya.

Naging very protective na ama si Goma sa kanyang nag-iisang anak kaya very emotional ito noong mag-post siya ng isang birthday message para kay Juliana.

“To my dearest Juliana, know that you are the best thing that ever happened to me and mom. You are truly a bearer of joy to everyone. I wish you your hearts desire, the best in life and the best of health.

“Now that you are 18 choose the kind of friends and people you are with. When given a chance to decide on something always decide on what will give you peace and happiness.

“Continue to be nice and helpful to people. Always remember that we love you very very much! To me and mom you will always be that beautiful little girl no matter how old you get. I love you.”

vuukle comment

JULIA CLARETE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with