Heart nakipagsosyalan sa mga sikat na fashion icons sa NY!
Nakasalamuha ni Heart Evangelista ang mga sikat na international models sa dinaluhang ICONS party ng Harper’s Bazaar sa New York. Nasa party din ang mga models na sina Bella Hadid, Kendall Jenner, Adriana Lima at marami pang iba.
Ang pinost pa lang nitong photos ay next model na si Grace Elizabeth.
Na-feature si Heart sa Metro Dot Style ng New York at ang caption, “@iamhearte makes it to @harpersbazaarus list of all the best looks from their ICONS party alongside #BellaHadid, #KendallJenner, and #AdrianaLima.”
Black gown na gawa ni Mark Bumgarner ang suot ni Heart sa ICONS party ng Harper’s Bazaar. Kung natatandaan, nakasama si Heart sa cover ng Harper’s Bazaar kasama ang ibang cast ng Crazy Rich Asians.
Habang nasa New York si Heart, dumalo rin siya sa New York Fashion Week at nakilala naman niya si Scha Alyahya at ang actress/producer na si Kate Bosworth. Na-meet din ni Heart si Kenneth Cole na nag-comment ng “great speaking with you” at “I enjoyed the time and your inspiring energy @iamhearte.”
Bea kinilig sa suporta ni Charlene
Pinasalamatan ni Bea Alonzo ang suporta ni Charlene Gonzalez-Muhlach sa movie nila ni Aga Muhlach na First Love na inilabas na ni director Paul Soriano ang teaser. Sabi ni Charlene, “can’t wait to watch” at mababasa ang “thank you!!” ni Bea.
Co-produced ng Star Cinema, Viva Films at TEN 17 Productions ni direk Paul ang First Love na ang karamihan sa mga eksena ay kinunan sa Vancouver.
Kyline kinarir ang pagiging ahas
Nakakatuwa si Kyline Alcantara dahil ginawa na lang niyang joke ang pagtawag sa kanya na “ahas” ng fans nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali dahil inagaw daw niya si Miguel kay Bianca.
Sa katatapos na concert ni Kyline sa Skydome, isinama sa spiel ng Take FL16HT ang pagtawag sa kanya ng “ahas” pero hindi raw siya nasaktan. Tinanggap niya na parte ‘yun ng showbiz at sa halip na sagutin ang pang-ookray sa kanya, sinakyan na lang niya.
Nag-post si Kyline ng picture niya sa Instagram (IG) na naka-pose na parang ahas siya at may tutuklawin. Maraming natuwa sa ginawa niya, pero may mga nainis din.
- Latest