Mikee madaling napapaiyak nina Nora at Cherie
MANILA, Philippines — Sinuwerte si Mikee Quintos sa kanyang role ngayon bilang inaapi-aping anak ni Onay na ginaganapan ni Jo Berry sa serye nilang Onanay.
Nakatutok sa kanya lahat ng manonood, tinitingnan ang bawat pag-iyak at pagda-drama sa tuwing inuumpisahan na siyang maltratuhin.
Madali na lang sa kanya ang mapaiyak. Imagine ang mga kaeksena ba naman niya ay sina Nora Aunor at Cherie Gil, sino ba naman ang hindi mapapaiyak ng dalawa na iyan.
Natikman na rin daw ni Mikee ang bagsik ni Cherie sa iconic nitong pagtatapon ng tubig sa kanyang kaaway.
Hindi lang naman si Mikee ang nagpapakitang gilas dito, maging si Kate Valdez ay sinubok din ang pagiging kontrabida.
Maligayang kaarawan!
Birthday greetings to September born celebrants: Ms. Rita Avila, Rochelle Pangilinan, Wilson Tieng, Kyline Alcantara, Salve Asis, Chit Ramos, Maricris Nicasio, Melanie Marquez, Eugene Asis and Bong De Leon.
- Latest