^

Pang Movies

Janine may bagong pelikulang kakantahan

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Janine may bagong pelikulang kakantahan
Janine Teñoso

Ipinasilip na sa mga sinehan ang trailer ng pelikulang Para Sa Brokenhearted mula sa panulat ni Marcelo Santos III at agad na tumatak sa mo­viegoers ang theme song nito, titled Ang Awit Natin, kung saan si Janine Teñoso pala ang kumanta.

Si Janine rin kasi ang kumanta ng ‘Di Na Muli na orihinal na kanta ng Itchyworms, napasama rin ito sa OST ng Sid and Aya (Not A Love Story).

Ang pelikulang Para Sa Brokenhearted ay obviously para sa mga taong sawi sa pag-ibig, tampok dito sina Yassi Pressman, Shy Carlos, Louise delos Reyes, Marco Gumabao at Sam Concepcion.

Walang kupas talaga ang boses ni Janine, sa una ay aakalain mong si Moira dela Torre ang kumakanta pero pag pinakinggan mo nang mabuti, magkaiba pala sila ng style na ginagamit.

Marahil ay magkaboses sila may kanya-kanya pa rin silang galing pagdating sa pagkanta.

Excited na ang fans ni Janine sa paglabas ng pelikulang ito at sa mga susunod pa niyang kakantahin. Nakakatuwa at nagbunga na rin ang kanyang pagtitiyaga.

vuukle comment

JANINE TEñOSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with