^

Pang Movies

Admirer ni Jessy sa social media supalpal kay Luis

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Admirer ni Jessy sa social media supalpal kay Luis
Jessy at Luis

Si Luis Manzano ang sumagot sa comment ng isang fan na nagpalipad hangin sa girlfriend niyang si Jessy Mendiola.

Nag-post kasi si Jessy ng larawan niya habang nagwo-work-out at may isang male fan na nag-comment na tila nagpapahayag ng kanyang love para sa aktres.

“Hello. I offer you a very nice greeting with a sincere smile from the depths of the heart. You will meet with the sunrise this morning. To tell you that there is a man who respects you. loves you . Follow your publications ... take care of your happiness. It is despite the distance beyond the seas, the mountains and the prairies ... but it creeps into your pure and sincere heart. To feel and touch the sincere feelings. God bless you dear .... I love you so much my love,” ang komento ng netizen.

Dito pa lang ay natawa na kami pero mas nakakatawa ang sagot ni Luis.

“i love you too, my please shower now, i’m on my way home and i will make iskemberlu on your body ;)” ang maikli pero laugh trip na sagot ni Luis.

Pati ang mga netizens ay tawa nang tawa sa komento ng aktor at naloka sila sa “iskemberlu.”

Kim ‘di nakatulog sa pagkikita nila ni Stephen Curry 

Fangirling mode si Kim Chiu sa pagdating sa bansa ng Golden State Warrior baskeball superstar ng National Basketball Association (NBA) na si Stephen Curry.

Dumating sa bansa ang nasabing player last Sept. 7 para mag-promote ng kanyang ineendorsong sapatos at dumalo sa opening ceremonies ng UAAP sa Mall of Asia nang gabing ‘yun.

Talagang dinayo ni Kim ang MOA para makita ang iniidolong basketball player at nagtagumpay naman siya. Nag-post si Chinita Princess sa kanyang Instagram account ang unforgettable experience na ‘yun.

Inumpisahan ni Kim ang post sa paggising pa lang niya ng Friday morning.

“(1)that feeling na happy ka kasi nasa manila si steph curry pero wala ka naman ticket so hanggang TSHIRT ka lang!!!!

“(2)that feeling na same gym kayo ng pinupuntahan ni steph curry pero 4am na nasa daan kapa 8am siya sa gym so hanggang TSHIRT ka nalang!!!!

“(3) that feeling na kahit sa panaginip mo hinabol mo si steph curry pero never mo siya nakita maraming balakid pero ok lang kasi pag gising mo suot no padin yung tshirt kaya hanggang TSHIRT ka nalang!!!

“which one??? 1, 2 or 3??? Hahaha,” ang unang post ni Kim ng Friday.

Sumunod na post ni Kim ay nasa MOA arena na siya at nagpasalamat siya sa nagbigay sa kanya ng ticket na si Bernard Cloma.

“(4) that feeling na akala mo hanggang TSHIRT ka lang pero may nagbigay ng tickets for you to see steph curry!!! special thank you to @bcloma#sirwarren of @underarmourph thank you!!!! and @gretchenho for taking my pictures and to @andreifelix for pushing me!! hahhaha thank you for this super duper unexpected fun thrilling experience!!! made it to MOA arena!!!!” caption ni Kim sa larawan nila ni Bernard.

Ang pinaka-winning moment ni Kim ay dumating na finally at ito ay nang makita na si Stephen Curry. Panalong panalo talaga dahil ipinost niya ang larawan nila ng NBA player na magkasama at habang pinipirmahan nito ang t-shirt niya.

 

vuukle comment

JESSY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with