^

Pang Movies

Alex niregaluhan ng trip to US ang makeup artist

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Alex niregaluhan ng trip to US ang makeup artist
Alex

Alam mo, Ateng Salve, natutuwa ako sa mga magagandang bagay na nababalitaan ko tungkol kay Alex Gonzaga.

Nag-show kasi silang dalawa ni Yeng Constantino sa Cache Creek Casino Resort sa Brooks, California at puring-puri siya ng mga tao roon.

Napakabait daw ni Alex. Kapag may mga lumalapit nga raw para magpa-picture sa kapatid ni Toni Gonzaga, super pose kaagad siya.

Sabi nga sa akin ni Albert Medina Sunga na nakasama niya sa two-night show roon, hindi raw pasaway si Alex at marunong makisama!

“Napakabait ni Alex. Gustung-gusto siya ng mga tao sa Cache Creek Casino Resort. Magaling siyang makisama. Kahit sa mga fan, click siya, mapagbigay kasi sa mga kumakausap at nagpapa-picture kasama siya,” sey ni Albert.

At ang bongga raw ng two-night shows nina Alex at Yeng dahil sold-out ‘yon.

“Puno talaga. Marami pa nga ang gustong pumasok, kaso hindi na puwede dahil may limit lang, ‘di ba?!” sey pa ni Albert.

At least, tiyak na matutuwa si Mommy Pinty Gonzaga sa magagandang balita tungkol sa kanyang bunso, huh!

Siya nga pala, isa pang patunay na mabait itong si Alex ay dahil isinama niya sa trip na ‘yon ang kanyang makeup artist. Bale plus one lang si Alex at kasama na nga niya ang kanyang handler, pero siya raw ang gumastos para sa kanyang makeup artist.

Kung tutuusin ay may mag-aayos na raw roon kay Alex, pero dahil gusto nga raw niyang regaluhan ng US trip ang kanyang makeup artist, ginastusan niya ito, huh!

Si Yeng naman, isinama raw ang kanyang mister sa trip na ‘yon at siya na rin ang gumastos!

Siyempre, like Alex, behave rin si Yeng, kaya naman happy ang producer nila roon!

Pepe at Ritz hinulaang papatok

Nakakatuwa naman na marami ang nagwi-wish na kumita ang The Hopeful Romantic nina Pepe Herrera at Ritz Azul, huh!

Funny naman kasi talaga ang trailer ng Regal Entertainment movie na ‘yon.

Si Mother Lily Monteverde nga, ang saya-saya kapag may mga nagkokomento sa kanya na naaaliw sila kina Pepe at Ritz!

Hindi kaya sina Pepe at Ritz na ang sumunod sa mga yapak nina Empoy at Alessandra de Rossi?

Sana katulad ng Kita Kita, mag-click din ang The Hopeful Romantic.

Oo nga pala, masaya rin si Mother Lily dahil ang sipag-sipag ng kanyang mga artista na mag-mall show para mai-promote ang kanilang movie.

Sa tuwa nga ni Mother Lily, ang dinig ko, may next movie na kaagad sa Regal Entertainment sina Pepe at Ritz, hindi nga lang ako sure kung sila pa rin ang magkapareha, huh!

Anyway, kapuri-puri naman si Mother Lily dahil kahit wala siyang sariling TV network ay hindi naman siya tumitigil sa pagpoprodyus ng mga pelikula, kaya dapat lang na suportahan siya ng moviegoing public, ‘di ba?

Richard nung july pa may nabiling birthday gift kay Sarah

Sa October ang birthday ng lovey-dovey niyang si Sarah Lahbati, pero alam n’yo ba na as early as July ay nag-iisip na si Richard Gutierrez ng ireregalo sa nanay nina Zion at Baby Kai?

Noong makasama ko nga sa US si Richard, nag­hanap na siya ng mabibilhing regalo for Sarah.

Sabi kasi niya, mabi-busy na siya sa shooting ng Fantastika, The Princesses, The Prince and The Perya, kaya gusto na nga niyang mabilhan ng birthday gift si Sarah.

Naku, may nakita nga akong binili si Richard, pero siyempre, secret muna ‘yon at hahayaan ko na ma-surprise si Sarah, huh!

 

vuukle comment

ALEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with