^

Pang Movies

Miriam may pangako sa Diyos kaya raw nabuntis

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Miriam may pangako sa Diyos kaya raw nabuntis
Miriam at Joshua

Three months na ang ipinagbubuntis ni Miriam Quiambao.

Sa kuwento ni Miriam, masaya ang adopted son niya na si Joshua sa kanyang pagbubuntis.

Sabi raw ni Joshua, willing itong ma­ging good kuya sa nalalapit na pagdating ng kanyang kapatid.

“Gusto niya girl, kasi sa family raw namin, ako lang ang girl, para may kasama na raw akong girl,” sabi ni Miriam.

Sabi nga raw ni Joshua ay willing itong magtulak ng stroller ng magi­ging kapatid, pero ang pagpapalit daw ng lampin ay hindi. “Sabi niya, dapat daw ang daddy niya na si Ardy ang magpapalit ng lampin,” sabi pa ni Miriam.

Masayang-masaya si Miriam sa kanyang pagbubuntis dahil bigay nga raw sa kanya ‘yon ng Diyos dahil nangako nga raw siya na kahit adopted son lang niya si Joshua ay magiging pantay ang pagmamahal niya sa dalawang bata. “Kahit adopted si Joshua, nangako ako na pantay ang magiging tingin ko sa kanila ng biological child ko, kaya si­guro dininig ang wish ko na magbuntis na,” sabi ni Miriam.

Nang makausap ko sa cellphone si Miriam ay nasa Market Market daw siya at namamasyal sila ni Joshua.

Akala ko nga noong una ay bed rest si Miriam dahil sa kanyang pagbubuntis, pero hindi naman daw.

Ruffa todo paseksi para sa pinaghahandaang secret project

Ilang araw na ring may sakit si Ruffa Gutierrez. Namamalat siya, pero nakakalabas pa rin naman daw.

Teka! Hindi kaya nagkakasakit si Ruffa dahil wala ngayon ang love niyang si Jordan Mouyal?

Hindi kaya nami-miss lang niya si Jordan at kapag nakabalik na ang boyfriend ay magiging okey na siya?

May kuwento nga pala si Ruffa tungkol sa dalawang aso niya sa bahay.

Naloloka raw siya dahil kinakagat ang mga gamit niya.

“My gosh, ‘yung tsinelas ko nga, ilang beses nang nginatngat, kaya palit ako nang palit. I wish tigilan na nilang ngatngatin ang mga gamit ko,” sey ni Ruffa.

Dalawa nga pala ang aso ni Ruffa sa bahay dahil ang isa ay kay Jordan.

Samantala, panay na naman ang diet at exercise ni Ruffa at nagpupunta rin siya sa beauty clinic ni Dr. Vicki Belo dahil may pinaghahandaan siyang secret project.

Hindi pa raw puwedeng i-announce, pero excited daw siya sa project na malapit na niyang simulan.

Donita tutok din sa pagpapapayat kahit panay ang luto

Katulad ni Ruffa, magko-concentrate na raw si Donita Rose sa pagpapapayat.

Actually, tinatawanan na nga lang ni Donita ‘yung mga nagsasabing mataba siya.

Ido-document daw ang pagpapapayat ni Donita at mapapanood ‘yon sa isang online show niya.

Sa ngayon, patuloy pa rin si Donita sa pagluluto at may special show nga siya sa GMA 7 na sponsored ng isang oil brand na ine-endorse niya.

Enjoy nga si Donita sa pagiging chef niya. Madalas daw na ipinagluluto niya ang kanyang mga kaibigan, pero wala raw talaga siyang special someone na pitatakim ng kanyang mga putahe!

‘Yun na!

vuukle comment

MIRIAM QUIAMBAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with