^

Pang Movies

Kumpirmado after Goyo Paulo magpapahinga muna sa pelikula!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Kumpirmado after Goyo Paulo magpapahinga muna sa pelikula!
Paulo

Medyo mahina raw ang Goyo: Ang Batang Heneral na pinagbibidahan ni Paulo na nag-open sa mga sinehan kahapon.

Pero in fairness, mali ang pamimintas ng iba na nakakaantok daw ang pelikula.

Sabi ng isang kaibigan ko na nakapanood kahapon ng Goyo: Ang Batang Heneral, maganda ‘yon!

Tutal mabait naman si Paulo, kaya ang wish ko, sana naman ay mag-pick-up ang movie ngayong weekend, huh!

Mas maganda naman kasi kung makakapanood tayo ng mga pelikulang may sense at hindi lang ‘yung kikiligin tayo, ‘noh?!

Saka rin ‘yung mga estu­d­yante, panoorin nila ang Goyo: Ang Batang Heneral dahil may matututunan sila sa pelikulang ito!

Sabi nga pala ng isang malapit kay Paulo, true raw ang tsikang after ng Goyo: Ang Batang He­neral ay hindi na magpapaka-active muna sa pelikula ang aktor.

Pero sa TV naman daw, patuloy nating mapapanood sa ABS-CBN si Paulo at ang next project nga niya ay ‘yung The General’s Daughter nila ni Angel Locsin.

Christian at Kat wedding tatlo ang reception

Ateng Salve, 80 to 100 pax lang pala ang darating sa Bali, Indonesia wedding ng The Clash judge na si Christian Bautista sa fiancé niyang si Kat Ramnani and mostly mga kamag-anak nila.

Sikat sa Indonesia si Christian kaya naisipan niya na ga­napin ang wedding nila ni Kat sa November 17.

May isang Indonesian celebrity daw na in-invite si Christian sa wedding nila ni Kat.

‘Yung wedding reception naman sa Manila Hotel on December 2, marami ang invited.

At meron din isa pa na sa Cavite naman daw na puro relatives ni Christian ang invited.

Sunud-sunod din ang shows ni Christian sa GMA 7, kaya napag-ipunan niyang mabuti ang kanyang kasal at tatlong receptions, ‘noh?!

Bukod sa pagdya-judge sa The Clash, part din si Christian ng bagong primetime series ng Kapuso network, ang Pamilya Roces.

Bullet Dumas solong-solo ang concert

Mabuti na lang Ateng Salve at nagpunta tayo ni Manay Lolit Solis sa pa-presscon ni Rein Esca?o para kay Bullet Dumas na alaga ni Carlo Orosa ng Stages. Aba, ang galing pala niyang kumanta, huh!

Saka ang tawag pala ni Carlo kay Bullet ay indie music artist.

Kahit ang galing kumanta ni Bullet, wala itong balak mag-release ng commercial album.

Pero ito rin palang si Bullet ang kumanta ng theme song ng I’m Drunk, I Love You movie nina Paulo Avelino at Maja Salvador.

Anyway, type na type ko ‘yung papikit-pikit ni Bullet habang kumakanta, huh!

Para sa mga gusto nga palang maka-relate sa ikinukuwento ko about Bullet, watch n’yo ang concert niya sa Music Museum on October 5, ang Usisa.

Alam n’yo ba na sa galing kumanta ni Bullet ay wala siyang kahit na sinong guest sa kanyang Usisa concert, kaya ang bongga!

vuukle comment

PAULO AVELINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with