^

Pang Movies

Pang-goodvibes Vice hindi pinagyayabang ang pagtulong sa kapwa

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Sa totoo lang, kaya lalong pinagpapala si Vice Ganda dahil hindi siya maramot, bukas ang mga palad niya sa mga taong nangangailangan ng tulong.

 

Alam niya kung sino ang dapat tulungan at kung sino ang hindi, pero siya ang tipo ng tao na kapag nakatulong at nagbigay, hindi siya nag-e-expect ng anumang kapalit. Ang dami na pala niyang natulungan, mga batang napag-aral, at naipagamot na mga may sakit. Pero hindi niya ito ipinangangalandakan, kumbaga no publicity pagdating sa pagtulong. Kung mayroon man tayong nalalaman, ito ay ang mga patungkol sa kanyang trabaho lamang. Mga bagay na on the spot sa kanyang TV shows.

Julius tinulungan si Ahwel Paz sa pagme-medical mission

Isa pang halimbawa ng mabuting ehemplo ay si Julius Babao, ang matulunging TV host ng Mission Possible.

Pagdating sa mahihirap na tao sumusugod siya, kung ano man ang kailangan, gumagawa siya ng paraan na makatulong. Hindi man sa sarili niyang bulsa at kung ‘di niya afford ay naghahanap siya ng mga taong puwedeng mag-sponsor or mga friendship na negosyante o mga taong bukas palad din sa pagtulong sa mga taong hikahos sa buhay. Sumasama rin siya sa mga Medical Mission tulad last two weeks ago, isa siya sa nag-assist sa medical mission ng katotong Ahwel Paz na ginanap sa Delos Santos General Hospital.

Alden hinihingan ng tulong ng simbahan

Katulad nina Vice at Julius, siyempre hindi rin papahuli sa pagiging anghel, kapag siya ay naawa, tiyak na limas ang bulsa nito. Dukot dito, dukot doon.

Kaya naman ang kanyang blessings ay tuluy-tuloy lang din ang pagdating. Kaliwa’t kanang commercials, endorsements at projects ang sunud-sunod na dumadarating sa kanya.

Ngayon nga ay may serye siyang Victor Magtanggol na kahit kasisimula pa lang ay humahataw na ang ratings.

Dahil sa serye niyang ito ay marami rin siyang napapasayang bata, tulad na lang ng batang tinulungan niya at pinangakuang pag-aaralin hanggang college. Ang batang nai-feature sa Kapuso Mo, Jessica Soho na kulang ang mga braso at kamay.

Idolo kasi nito si Alden at ang karakter niyang si Victor Magtanggol.

Anyway, wish pala ni Fr. Dode, Parish Priest sa Sta. Rosa Laguna ng Our Lady of the Most Holy Rosary na dalaw ka raw Alden  sa kanya.

They beg your help for the repair of the Church, dahil Feast Day of Mama Mary on October.

Luis namana ang kabutihang asal ng mga magulang

Hindi rin pahuhuli si Luis Manzano pagdating sa pagka-pusong mamon sa mga mahihirap, hindi raw siya magsasawa ng pagtulong.

Isa yan sa mga mabuting asal na naituro sa kanya ng kanyang butihing ina na si Rep. Vilma Santos-Recto at amang si Edu Manzano. Naku, ang da­ming showbiz people ang mababait at bukas palad sa mahihirap. Ang dasal namin ay sana huwag namang abusuhin ang kabaitan ng mga taong handang tumulong. Yun lang!

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with