^

Pang Movies

Mother Lily ibang klase ang PR

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Alam mo Ateng Salve, kahit pa masasabing “character” itong si Mother Lily Monteverde at isa nga siya sa mga “krung-krung” ng showbiz, hindi naman matatawaran ang kanyang kabaitan at pagiging sobrang ma-PR, kaya naman maraming nagmamahal sa kanya lalo na ang entertainment press.

 

Si Mother Lily kasi ‘yung tipong magda-dialogue, “Ayoko na produce pelikula, lulugi lang ako, ‘tapos pipintas lang ng iba,” pero the next day naman, ang dialogue na niya ay, “May bago ako pelikula ipo-produce, attend ka presscon!”

O, ‘di ba naman at tanging si Mother Lily lang ang ganyan.

Pero sa totoo rin lang, isa si Mother Lily sa iilang nagbibigay ng importansiya sa entertainment press.

Kapag nagpa-presscon ‘yan sa kanyang pelikula, kapag hindi niya nakita ‘yung mga kilala niya, magtatawag na ‘yan.

Like the other day na wala kami ni Manay Lolit Solis sa presscon ng kanyang The Hopeful Romantic na pinagbibidahan nina Pepe Herrera at Ritz Azul, call na kaagad si Mother Lily.

Talagang kinukumbinsi niya si Manay Lolit na pumunta na sa Regal Entertainment function hall sa Valencia St., Quezon City.

Aba, maya-maya naman, ako na ang tinatawagan ni Mother Lily at bakit wala raw ako sa presscon niya, pero ang say ko naman, isusulat ko naman ‘yon dahil napanood ko nga ang trailer at nakakaaliw.

“Mother, nakakatawa ang trailer ng The Hopeful Romantic, mukhang winner naman, sulat ko na lang kahit hindi na ako nag-attend,” sey ko naman.

Kahapon naman, call na naman si Mother Lily.

“When will I see? Are you leaving again for the States?” tanong niya sa akin na sinagot ko naman ng, “Not yet, Mother, mauuna ka sa akin. You’re leaving na tomorrow, ‘di ba?!” at ang sabi na lang niya ay, “Yes, so I need to see you later!”

In fairness to Mother Lily, kahit matagal na niyang sinasabi na ang anak na niyang si Roselle Monteverde ang pinamamahala niya sa Regal Entertainment, still, pagdating sa publicity and promotions ng kanyang mga pelikula ay hindi pa rin niya mapigilan ang sarili na makialam.

Marami nga ang nagsasabi na iba pa rin ang touch ni Mother Lily!

Anyway, naikuwento sa akin ni Annabelle Rama na kaya aalis pa-New York City si Mother Lily ay para maghanap ng matitirhan ng kanyang apo sa Manhattan.

Scholar daw kasi ang apong ‘yon ni Mother Lily sa anak na si Dondon Monteverde at siya ang kukuha ng matitirhan.

So, maglilibot si Mother Lily sa Manhattan para maghanap ng flat ng kanyang apo, huh!

Ang bongga!

Martin balik ‘Pinas na

Baka bukas ng umaga ay nakabalik na ng bansa si Martin Nievera.

Dapat ay sa Vancouver, Canada ang flight niya pabalik ng Pilipinas, pero ayon sa manager niyang si Joy Alonzo, nag-decide raw ang Concert King na sa San Francisco, California na sila manggaling.

From Canada nga raw ay nag-San Francisco sila at pinuntahan ang ilan nilang mga kaibigan na nandoroon para makapag-bonding.

Matagal-tagal ding nawala sa bansa si Martin, kaya tutok na naman siya sa trabaho at this Sunday ay nasa ASAP na uli.

Pops at Dayanara may pina-planong negosyo

Speaking of ASAP, sina Pops Fernandez at Dayanara Torres pala ay close na naman at may mga plano raw silang dalawa.

May business nga raw na papasukin si Pops na makakatulong niya si Dayanara.

Sabi ni Pops, kahit pa naging misis ng isang Hollywood celebrity si Dayanara (hiwalay na ito) ay hindi raw nagbabago ang ugali ng Miss Universe 1993, sobrang friendly pa rin daw ito.

“Parang wala siyang pinagbago!” sey ni Pops.

Teka! Ano kaya ‘yung business na pinaplano no Pops para sa kanila ni Dayanara? Ayaw pa kasing ibuking ‘yon ng dating Concert Queen, huh!

vuukle comment

MOTHER LILY MONTEVERDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with