^

Pang Movies

Mother Lily natutuwa sa kita ng Granny at THOU

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mother Lily natutuwa sa kita ng Granny at THOU
Mother Lily Monteverde

Tinawagan ako kahapon ni Mother Lily Monteverde sa cell phone habang on-going ang presscon para sa The Hopeful Romantic.

Kinukulit ako ni Mother na sumaglit sa presscon ng romantic comedy movie nina Pepe Herrera at Ritz Azul dahil sabi na sabik daw siya na makita ako.

Nag-yes na lang ako kay Mother para hindi niya ako kulitin pero hindi ako nagpunta dahil beauty day ko kahapon. Hindi ko na puwedeng ipa-postpone ang manicure at pedicure ko sa salon ni Bambbi Fuentes.

Bukod sa tulungan ko siya na i-promote ang The Hopeful Romantic, may ibinalita sa akin si Mother na nagpa-excite sa akin nang todo at kapag nagkatotoo ang pralala niya, ako na ang pinakamaligaya na tao sa buong mundo. Saka ko na ise-share sa inyo ang good news na narinig ko kay Mother dahil baka masilat pa.

Hihintayin ko na mangyari muna ang pralala niya na walang kinalaman sa The Hopeful Romantic bago ko ipangalandakan sa readers ng PM (Pang Masa).

Good mood si Mother Lily nang mag-usap kami dahil kumikita ang Tagalog movies na showing sa mga sinehan, ang Miss Granny ng Viva Films at ang The Hows of Us ng Star Cinema.

Walang sosyo si Mother Lily sa Viva Films at Star Cinema pero masaya siya kapag kumikita ang Tagalog movies dahil malaking boost ito sa local film industry.

Hindi maramot na mo­vie producer si Mother Lily.

Aminado si Mother Lily na siya ang tunay na Crazy Rich Asian but in a positive way. Hindi siya inggitera at lalong hindi insecure sa success ng iba. I should know dahil siya ang mentor ko sa showbiz. Marami siyang itinuro sa akin na na­gamit ko sa showbiz journey ko.

Magbabakasyon si Mother Lily sa Amerika at sa mid- September na ang balik niya.

Kasama ni Mother sa US trip niya ang kanyang anak na si Meme Monteverde.

Nag-celebrate si Mother ng 80th birthday noong August 19. Sure ako na extension ng kanyang birthday celebration ang pagbabakasyon niya sa Amerika.

Na-excite talaga ako sa promise ni Mother na magpapa-party siya uli kapag nangyari ang good news na ipinarating niya sa akin. Wish ko talaga na mag-dilang anghel siya.

Yasmien balik na sa pagiging nanay at asawa

Ngayon ang last day sa telebisyon ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka ng GMA 7.

May reminder si Yasmien Kurdi na dapat tutukan at subaybayan ang pagtatapos ng top-rating  drama series ng Kapuso Network.

May sadness na nararamdaman si Yasmien dahil magkakahiwa-hiwalay na sila ng co-stars niya. At the same time, masaya siya dahil alam ni Yasmien na may aral na natutunan ang televiewers sa kuwento ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

Ngayong maluwag ang schedule niya, magpapaka-nanay at misis muna si Yasmien sa kanyang anak na si Ayesha at mister na si Rey.

vuukle comment

MOTHER LILY MONTEVERDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with