^

Pang Movies

Marlo tuloy ang pangako sa ina

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Marlo tuloy ang pangako sa ina
Marlo Mortel

Tuloy pa rin ang buhay ni Marlo Mortel kahit mabigat ang kanyang pinagdadaanan dahil sa pagpanaw ng kanyang inang si Merlie Pamintuan sa sakit na breast cancer. Ganunpaman, nagsisilbi pa rin niyang inspirasyon ito para ipagpatuloy ang kanyang nasimulan. Damang-dama ang matinding emosyon sa bago niyang album at ngayon ay pumirma siya ng kontrata sa Star Music.

Hindi lang singer si Marlo, isa rin siyang composer, at maririnig ang mga komposisyon niyang ito sa nasabing album. Lahat iyon ay alay niya sa kanyang ina. Sayang at hindi na natupad ng kanyang mommy ang pangako nito na present pa rin siya kapag ini-release na ni Marlo ang album. Ang tagal bago ito natapos.

Sa kabila ng lahat, nangako si Marlo na ipagpapatuloy pa rin niya ang p­anghaharana at pagpapasaya sa listeners. Isinama rin sa album ang latest single ni Marlo na I Pray kung saan umani siya ng simpatya at paghanga.

Mabuti na lang at maraming trabaho si Marlo na pang-distract tuwing siya ay nalulungkot. Regular na napapanood ngayon si Marlo sa FPJ’s Ang Pro­binsyano bilang katambal ni Sue Ramirez.

vuukle comment

MARLO MORTEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with