^

Pang Movies

Heart nakatakong kahit sa bahay!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Heart nakatakong kahit sa bahay!
Heart Evangelista

Kahit pala nasa bahay lang si Heart Evangelista, high heels ang suot niya.

Sa interview ng Cosmo Philippines, ayon kay Heart mas nakakatayo siya nang maayos pag naka-heels siya bukod para sa sinabi niyang “I feel good when I’m taller.”

Ang height daw kasi niya ay 5’2 at pag hindi siya nakasuot ng heels, 5’1 lang siya. Meaning mali ang posture niya.

Kaya raw talagang tiis ganda si Heart kahit sa bahay lang.

Ang tanong lang, meron kayang slippers na may takong o talagang sandals na high heels ang suot niya sa bahay?

Hindi na lang sa bansa kinikilala ang pagiging fashion icon ni Heart. Ngayon diumano ay kabi-kabila ang offer nitong mag-endorse at ma-feature sa mga iba’t ibang fashion show matapos nga siyang mapisil ni Kevin Kwan as ‘real crazy rich Asian’ na na-feature sa US Harper’s Bazaar.

Salpukan sa sinehan…

Buhay na buhay ngayon ang mga sinehan. Sabay ipinalabas last Wednesday ang Miss Granny na nadagdagan pa ang mga sinehan at Crazy Rich Asian na pinilahan din. At ngayon ngang araw magbubukas sa mga sinehan ang The Hows of Us starring Daniel Padilla and Kathryn Bernardo.

Magandang pangitain ito sa movie industry na buhay na buhay ang fans at gumagastos ng P250 or something para manood sa mga sinehan at hindi maghintay sa pirated copies ng mga nasabing pelikula.

At ma-encourage din ang mga producer na gumawa pa nang gumawa ng pelikula.

Maganda naman ang naging result ng ibang pelikulang kasali sa nagtapos na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).

Kaya sa rami ng sinehan tiyak na magtatapatan ang tatlong pelikula.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with