^

Pang Movies

Mystica nananawagan ng tulong kay Coco

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Mystica nananawagan ng tulong kay Coco
Mystica at Coco

Naaalala n’yo pa ba si Mystica na kilala sa pagiging Split Queen dahil sa galing nitong mag-split?

Well, ayon sa PM (Pang Masa) columnist na si Vir Gonzales, nanga­ngailangan daw ngayon ng tulong si Mystica. Ganun pa man, ayaw daw ni Mystica na basta lang siya abutan ng tulong, gusto raw niyang paghirapan din ito. Kaya wish niya ngayon ay sana mabigyan siya ng pagkakataon ni Coco Martin na mapasama at kahit maging guest role lang sa FPJ’s Ang Probinsyano na serye nito.

Binawian na rin pala ng buhay ang kaisa-isang niyang anak na lalaki na may cancer of the liver. Pinagkagastusan niya ang pagpapagamot nito noong nabubuhay pa.

Naunahan pa ng KathNiel… Coco dapat na rin daw aminin si Julia!

Samantala, kung umamin na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang limang taong relasyon, kailan naman daw kaya aamin si Coco sa tunay na nilalaman ng kanyang puso? Dapat ay ‘asintaduhin’ na rin niya ang pag-amin tulad ni Daniel.

Sina Kathryn at Daniel ay bibida ngayon sa pelikula nilang The Hows Of Us directed by Cathy Garcia-Molina.

Ang biggest break ni Kathryn ay noong magbida siya bilang si Mara sa serye nilang Mara Clara kasama si Julia Montes na matagal nang sinasabing rumored girlfriend ni Coco.

Ang una namang naging Mara at Clara ay sina Judy Ann Santos-Agon­cillo at Gladys Reyes.

Luis sinagot ang libingan ng anak ng contestant ng show

Gandang-ganda kami sa episode ng game show na I Can See Your Voice hosted by Luis Manzano noong Sabado Salve A.,

Nandoon kasi ang cast ng Miss Granny na sina Sarah Geronimo, James Reid at Xian Lim bilang mga guest.

Lahat sila ay marurunong kumanta pero nakapili sila ng isang totoong singer para tanggalin. Pero, sa huli ay singer naman din ang kanilang napili para maka-duet.

Hindi naman itinago ng winner ang kanyang kasarian, in fact, tinawag niya pa ang kanyang partner na isa ring gay on stage.

Pero hindi pa iyan ang pinaka-highlight ng episode dahil nang mapili ang isang contestant na labandera para matanggal at makumpirmang siya ay sintunado, napahagulgol na lang siya ng tanungin ni Luis kung ano ang dahilan ng kanyang pagsali.

Nangako raw kasi siya sa kanyang anak na kamamatay lang na bibigyan niya ito ng di­sen­teng libingan. Sa ngayon kasi ay sa apartment lang sa isang sementeryo nakalagay ang mga labi nito.

Nang tanungin ni Luis kung magkano ba ang kailangan niya para rito, P45,000 daw, agad niyang sagot.

Agad din namang sumagot si Luis, “Ako na ang sasagot ng P45,000 na ‘yan.”

Luis, may your tribe increase!

Darren nag-enjoy sa maraming eksena kasama si Kathryn

Kasama ang young singer na si Darren Espanto sa pelikula nina Kathryn at Daniel na The Hows Of Us.

Gumaganap siya rito bilang nakababatang kapatid ni Kathryn. Marami raw silang eksenang magkasama, kaya naman kahit sa Amsterdam ay kasama pa rin siya kaya nag-enjoy siya.

Ganunpaman, kahit na kilalang singer din si Darren, hindi sa kanya binigay ang pag-awit ng theme song ng The Hows of Us na Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko, kung hindi kay Moira dela Torre.

Ang nasabing kanta ay gawa ng singer and composer na si Rey Valera, ang unang umawit nito ay si Sharon Cuneta noong 1994, kinanta naman ito ulit at ini-record ni Daniel noong 2013.

vuukle comment

MYSTICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with