^

Pang Movies

Kasal nina Alice at Christian pinagkaguluhan

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines —  Nagkagulo ang mga tao sa simbahan sa Baliwag, Bulacan noong ganapin ang pag-iisang dibdib nina Alice Dixson at Christian Vasquez, hindi sila makapaniwala na masasaksihan pala nila ang bonggang kasal ng dalawa. Ang suwerte ni Christian dahil misis niya na ang tinaguriang ageless beauty na si Alice.

 

Isa kasi ito sa mga eksena sa kasisimula palang nilang serye na Ngayon at Kailanman na pinagbibidahan nina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Gumaganap silang mag-asawa sa nasabing serye at mga magulang nina Joshua at Jameson Blake.

Inday… ni Barbie, gumagaya na rinsa Ang Probinsyano

Bukod pa sa gabi-gabing paglipad ni Alden Richards bilang Victor Magtanggol, star studded din ang isa pang serye ng Kapuso na Inday Will Always Love You na pinagbibidahan naman ni Barbie Forteza.

Kung ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin ay nagtatampok ng iba’t-ibang artista kada-episode, ganoon din ang ginawa ng IWALY. Pero hindi naman daw sila nakikipagkumpetensiya. Gusto lang din naman daw nilang magbigay ng trabaho sa mga kapwa nila sa industriya.

Maganda nga ito dahil papasok na naman ang ber months, ibig sabihin magpapasko na at magkakaroon ng trabaho ang mga artistang nakatengga.

Coco dinedma ang imbitasyon para sa isang pista

May kumakalat ngayon na nagpaunlak daw si Coco sa imbitasyon para sa isang pista, pero ang ginawa lamang daw niya ay kumaway sabay umalis agad-agad.

Nakakalungkot naman kung totoo nga ito, dahil ang tingin ng lahat kay Coco ay mabait at matulungin.

Isang balik tanaw lang noong ‘di pa sikat si Coco, kasama nito ang kanyang manager sa isang pista rin at magkakaroon ng isang motorcade. Pero ang major sponsor, ayaw isama si Coco. Hindi raw kasi niya kilala, tinatanong pa kung ano ba ang nagawa nitong pelikula o teleserye.

Napakarami nang na­tulungan ni Coco, hindi lamang mga artista kung hindi pati na rin ang mga matatanda at kapus palad. Kaya imposibleng lumaki ang ulo niya dahil kilala rin siyang lumaki sa puder ng kanyang lola.

Personal…

Happy fiesta sa mga tiga-Baliwag, Bulacan sa August 28. Ganun din kina Jorge Allan Tengco na aming hermano mayor, kay Baliwag Mayor Ferdie Estrella, Vice Mayor Cris Clemente, ka Miring Rodriguez, Raffy Mendoza, Mr At Mrs. Efren at Beth Valenzuela, Mr & Mrs. Narciso dela Merced, Marivic Tengco Burgos.

Happy birthday naman sa August born stars na sina Sen. Lito Lapid, Philip Salvador, Jean Garcia, Angelu de Leon, Leah Salterio, Papa Ahwel Paz ng DZMM, Erwin Macatangay ng Radio Inquirer at Sec.Martin Andanar.

vuukle comment

ALICE DIXSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with