^

Pang Movies

Ex ni Ogie, all out suporta sa mister ni Regine

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Ex ni Ogie, all out suporta sa mister ni Regine

Ngayong gabi na ang big night ni singer-songwriter-actor-host Ogie Alcasid as he celebrates his 30th anniversary in showbiz sa pamamagitan ng kanyang concert na OA: Ogie Alcasid 30th Anniversary Concert sa Smart Araneta Coliseum at 8:PM.

Excited na si Ogie dahil dumating na mula Australia ang anak niyang si Sarah, kasama ang family ng mommy niyang si Michelle van Eimeren. Buo nga niyang guest ang kanyang family, ang mga anak niyang sina Leila, Sarah, Nate at ang wife niyang si Regine Velasquez-Alcasid.

Iba pang special guests ni Ogie ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra, Vice Ganda, Rey Valera, Michael V, Janno Gibbs, Yeng Constantino, Moira, Bansot Mee, sa direksyon ni Paolo Valenciano at musical director naman si Maestro Gerard Salonga.

Sa August 27 naman ang birthday ni Ogie kaya sama-sama silang magsi-celebrate ng kanilang family at family ni Michelle bago sila bumalik ng Australia.

Noong concert presscon, sinabi ni Ogie na bibigyan na niya ng time na magkasama na sila lagi ni Regine kaya tinanggap niyang mag-guest sa concert tour ng asawa for Viva Live in five US cities kaya magkasama sila for 15 days. At nakapag-book na rin daw siya ng Christmas vacation with his family at family ni Michelle sa Japan sa December.

Dating ugali ni Jo, nami-miss

May request pala ang mga tagasubaybay ng Onanay ni Jo Berry sa GMA 7, kung pwede raw pabaitin na muli ang character niya bilang si Onay. Gusto raw kasi nila iyong Onay na sa simula ng serye, mabait at mapagmahal, love na love daw nila si Onay kaya nalungkot sila nang dahil sa nangyari sa buhay niya, bigla siyang naging masungit, laging galit at kahit anong gawin ng nanay niyang si Nelia (Nora Aunor) na siyang laging umiintidi sa kanya sa simula pa lamang, ay sinusungitan na rin niya. Kaawa-awa raw ang anak nitong si Maila (Mikee Quintos) na bunga ng ma-rape siya, na simula pa noong bata ito ay mahal na mahal ang ina pero walang bukang-bibig si Onay kundi ang anak niyang si Rosemarie. Huwag daw mag-aalaala ang mga netizens, dahil babalik na ang dating ugali ni Onay, pero paano naman ang magiging reaction niya kapag hindi siya matanggap ni Rosemarie na siya ang tunay na ina nito?

Meanwhile, tuwang-tuwa si Jo nang isama siya sa cast ng Onanay para sa mall show nila sa Kadayawan Festival sa Davao last weekend. “It is indeed ang unforgettable first regional mall tour for me!  Salamat po sa pagmamahal nyo kay Onay!”

Ang Onanay ay napapanood gabi-gabi pagkatapos ng Victor Magtanggol.

Laplapan nina Alden at Andrea kinokontra

Last Wednesday evening, may teaser ng Victor Magtanggol na parang sini-seduce ni Sif (Andrea Torres) si Victor (Alden Richards). Kaya may namba-bash agad kay Alden na bakit daw may kissing scene sila ni Andrea, pambata raw ang serye dapat daw walang ganoon.

Sorry na lang sa nanguna sa script dahil wala namang ganoong eksena. Alam ng mga writers at ni Direk Dominic Zapata kung ano ang tamang ibigay nila sa mga televiewers, like mas gusto nila ang transformation ni Victor to Hammerman at ang paglaban niya sa mga ipinadadalang kaaway ni Lodi (John Estrada) para makuha sa kanya ang martilyo o ang Mjolnir ni Thor.

vuukle comment

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with