^

Pang Movies

Mother Lily laging bitbit ang mga touching birthday card na natanggap

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mother Lily laging bitbit ang mga touching birthday card na natanggap
Mother Lily Monteverde

Ang presence ng mga invited guest sa kanyang 80th birthday celebration noong August 19 ang itinuturing ni Mother Lily Monteverde na best birthday gift na natanggap niya.

Hindi showbiz ang sagot ni Mother dahil ‘yon talaga ang nararamdaman niya. Hindi na importante kay Mother ang material things dahil siya ang tunay na Crazy Rich Asian.

Mas mahalaga ngayon kay Mother ang pagmamahal ng kanyang pamilya at mga kaibigan dahil alam niya na pansamantala lang ang happiness na ibinibigay ng mga materyal na bagay.

Convinced na convinced ako sa pralala ni Mother dahil ang mga birthday card mula sa mga bumati sa kanya ang nakita ko na laman ng bag niya. Bitbit ni Mother at ipinapakita niya sa lahat ng mga nakakausap ang mga touching dedication at messages sa mga birthday card na kanyang natanggap.

Unli Life at The Day After Valentine’s extended!

Natapos na ang week-long 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino pero extended ang showing sa ibang mga sinehan ng Unli Life at The Day After Valentine’s.

Tsugi na ang ibang mga official entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino, lalo na ang mga pelikula na literal na nilangaw sa takilya.

Nakakalungkot malaman na may Tagalog films na zero talaga ang audience attendance kaya no choice ang theater owners kung hindi ang i-pull out ang mga pelikula dahil lugi ang negosyo.

Limitado na ang mga sinehan na pagtatanghalan ng extended PPP movies dahil nagbukas na kahapon ang mga bagong pelikula gaya ng Miss Granny at Crazy Rich Asians.

Ang word of mouth na maganda ang Miss Granny at sobrang galing ng acting ni Sarah ang dalawa sa mga dahilan kaya sure ako na pipilahan sa box office ang new movie niya.

Hindi ko alam ang magiging kapalaran sa box office ng Crazy Rich Asians dahil walang idea ang masang Pinoy tungkol sa isinalin sa pelikula na bestseller book ni Kevin Kwan. Ni hindi nga nila kilala si Kevin ‘ha?

Abay Babes ipinasilip na sa mga sinehan

Ipinapakita na ang trailer ng Abay Babes sa mga sinehan. Ang Abay Babes ang co­medy sexy movie ng Viva Films na pinagbibidahan nina Cristine Reyes, Kylie Verzosa, Roxanne Barcelo, Meg Imperial at Nathalie Hart.

Buntis na si Nathalie habang ginagawa niya ang pelikula pero hindi mahahalata sa kanyang mga eksena sa Abay Babes na in the family way na siya.

Maliit na babae si Nathalie kaya maliit din ang pagbubuntis niya. Kung hindi nga siya umamin na buntis, hindi malalaman ng mga tao.

May movie contract si Nathalie sa Viva Films at bago niya ni-reveal sa public na magiging nanay na siya, nakipag-usap muna ang kanyang manager na si Leo Dominguez sa mga executive ng film company.

vuukle comment

MOTHER LILY MONTEVERDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with