^

Pang Movies

ToFarm aarangkada na

Veronica Samio - Pang-masa

MANILA, Philippines — Walang patid ang kaabalahan sa mundo ng ating lokal na pelikula at dahil matagumpay na nairaos ang dalawang film festival ng Cinemalaya at Pista ng Pelikulang Pilipino, excited ang mga namumuno ng ToFarm at Manila Film Festival 2018, lalo na ang una, dahil sila na agad ang kasunod na inaasahang magpapasigla ng ating film industry. Dagdag na excitement sa ikatlong paghahanda ng ToFarm na brainchild ng socio entrepreneur na si Dr. Milagros O. How, CEO at pangulo ng Universal Harvester, Inc. na magaganap sa Setyembre 12-18 ay ang pagkakasali ng isang lalawigan na magpapalabas ng pelikula ng ToFarm, hindi na lang sa Metro Manila.

Napili na ang pitong pelikula na kasali sa festival ng grupong binuo nina Raquel Villavicencio bilang chairman, Krip Yuson, Antoinette Jadaone, Mario Cornejo, Manny Busing at Dr. How.

Ito ay ang 1957 ni direk Hebert Tibi, Alimuom ni Keith Sicat; Fasang, Isang Kuwento ng Gubat nina Ellen Ongkeko-Marfil; Rosalie Matilac at Milo Paez, Igna ni Eduardo Roy, Jr.; Mga Anak ng Kamote ni Carlo Catu at Sol Searching ni Roman Reyes, Jr.

Goyo ni Paulo ikinukumpara na sa Heneral Luna

Inaabangan na rin ang pagpapalabas ng Goyo, Ang Batang Heneral na si Paulo Avelino ang gaganap ng title role. Inaasahan ng manonood na katulad ng Heneral Luna ni John Arcilla ay magagawang isang masayang panoorin at hindi kabagut-bagot ni Jerrold Tarog na siya ring direktor ng Luna at Goyo na isang historical movie.

Star studded ang pelikula na nagtatampok din kina Carlo Aquino, Benjamin Alves, Epy Quizon, Empress Schuck, Art Acunia, Matt Evans, Perla Bautista, RK Bagatsing, Mon Confiado at marami pa. Mauuna itong ipalabas bago ang film festival ng ToFarm.

Pinay nakapag-uwi ng ginto dahil sa weighlifting

Nakiiyak ako kay Hidilyn Diaz habang pinaparangalan siya sa Asean Games na ginaganap sa Jakarta, Indonesia. Siya ang kauna-unahang nabigyan ng gold medal para sa weightlifting na napaka-hirap pala nang pinagdadaanan ng mga sumasali dahil ilang ulit silang nagbubuhat ng barbel na bumibigat habang nagpapatuloy ang palig­sahan. Kaya halos lahat ng kalahok ay hindi nagi-effort na mag-ayos dahil sumasama ang mga mukha nila habang bumibigat ang dina­dala nila. Pero, si Hidilyn ay nakalipstick pa at hindi masyadong ngumingiwi at lumalabas ang mga litid sa kanyang pagbuhat ng barbel.

Dalawa silang Pinay na kasali pero, lost ang isa. Ang kinatawan ng Turkmenistan ang mahigpit na nakalaban niya. Sana di na siya pinagbalabal ng bandila dahil may itinaas namang Philippine flag habang tumutugtog ang Lupang Hinirang. Ilang ulit itong namiligrong mahulog sa kanyang balikat sa ginanap na award ceremoies.                                      

vuukle comment

CINEMALAYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with