^

Pang Movies

Mayor Erap matibay pa sa puyatan!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Mayor Erap matibay pa sa puyatan!
Manila Mayor Joseph Estrada

Naku, Ateng Salve (my dear editor), alam mo ba na 2:00AM na noong Monday saka pa lang kami nakaalis sa The Crown Plaza kung saan ginanap ang 80th birthday party ni Mother Lily Monteverde noong Sunday.

Hinintay kasi naming umalis si former Senator Jinggoy Estrada na ka-table namin nina Malou Choa-Fagar, James Blanco, Congressman Edward Maceda at iba pa.

Si Jinggoy naman kasi, naghintay sa tatay niyang si Manila Mayor Joseph Estrada na nag-enjoy sa party at nakipagtsikahan sa mag-asawang Atty. King Rodrigo at Boots Anson-Roa.

Napasubo nga si Tita Boots at ang mister niya dahil ang tibay ni Mayor Erap at ayaw pa ngang umuwi.

Buti na nga lang at noong almost 2:00AM na ay naisipan na rin ni Mayor Erap na magya­yang umuwi kaya natuwa si Jinggoy at may flight pa pala siya pa-Cebu that day.

Actually, ang mismong may birthday nga na si Mother Lily ay tumakas na at sa side door dumaan at hindi na nagpaalam, kaya naman hindi siya masyadong napuyat, huh!

Naku, sayang nga Ateng Salve at hindi ka nakapunta sa birthday party ni Mother Lily sana ay nag-enjoy ka rin sa sobrang daming tsika na hindi puwedeng isulat, huh!

Vilma walang kupas ang PR

Naaliw din ako kay Congresswoman Vilma Santos-Recto dahil kahit ‘yung mga matagal na niyang hindi nakikita sa showbiz ay isa-isa niyang nilapitan para batiin sa birthday party ni Mother Lily.

In fairness to her, kahit siya ‘yung tinaguriang Star for All Seasons ay si Ate Vi pa ‘yung unang bumabati sa mga kakilala.

Bibilib ka nga sa sobrang PR ni Ate Vi, huh!

Nang makita nga ako ni Ate Vi na kasunod ni Ruffa Gutierrez, nag-dialogue pa siya ng, “Bilib ako sa pagiging loyal mo!”

Naku, Ateng Salve, bigla nga akong na-starstruck kay Ate Vi dahil sa bait niya at nagpa-picture pa ako na kasama siya dahil the last time na nagpa-picture kami together ay 24 years ago pa sa shooting niya ng Lipa Massacre.                                                                         

Pops aminadong kuripot

Nakakaaliw din itong si Pops Fernandez. Kapag kasi sinasabi ko sa kanya na kuripot ang i­mage niya sa showbiz, pero ang totoo ay gene­rous naman siya ay sasabihin niya na, “Kuripot talaga ako!”

Actually, hindi naman talaga kuripot as in sobrang kuripot si Pops, pero marunong lang talaga siyang humawak ng pera.

Pero kapag kailangan naman niyang gumastos talaga ay naglalabas naman siya.

Samantala, sabi ni Pops, ayaw na talaga niyang mag-concert muna at ayaw lalo niyang umarte na, huh!

vuukle comment

JOSEPH ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with