^

Pang Movies

Angelica at Zanjoe, ipapalit sa nilayasang show ni John Lloyd

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Angelica at Zanjoe, ipapalit sa nilayasang show ni John Lloyd
Angelica

Kung tama ang a­ming source, mawawala na ang Home Sweetie Home na originally, pinagbidahan nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga. Ayaw na yatang mag-showbiz ni John Lloyd at masaya na sa tahimik na buhay sa piling ni Ellen Adarna at ng kanilang anak.

Pumasok si Piolo Pascual sa Home Sweetie Home, pero nag-decide na ang ABS-CBN na tuluyang alisin ang show. Saka, busy si Piolo sa ibang commitments, kailangang humanap ng network nang ipapalit sa time slot nito.

Ang napiling ipalit sa timeslot ng Home Sweetie Home ay ang Playhouse na pagbibidahan nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo and in fact, may teaser na ang show. Excited na ang Kapamilya viewers na ang bagong tambalan ng dalawa at sa napanood naming teaser, masaya ang show at magki-click sa viewers.

Malaki ang chance na mag-click din ang tambalan nina Angelica at Zanjoe, lalo na kung pagtatambalin din sila sa pelikula. Abang-abang lang ang fans at baka nga pagtambalin din ng Star Cinema sa pelikula sina Angelica at Zanjoe.

Andre nakipagbati kay Kobe pagka-alis ng nanay

Bati na ang magkapatid na Andre at Kobe Paras dahil pina-follow na uli nila ang isa’t isa sa Instagram (IG). Matagal din ang “unfollow each other” mode ng dalawa, pero ngayon, may nakita na kaming post ni Andre sa IG ng photo nila ni Kobe kasama ang isang kaibigan.

Si Kobe naman ay may photo ni Andre sa IG story niya at naka-caption ang “brothers.” Ang maganda lang sa magkapatid, kahit noong hindi nila pina-follow sa IG ang isa’t isa, wala silang mga parinig.

Kapansin-pansin lang na nagkabati sina Andre at Kobe noong wala na sa bansa ang mom nilang si Jackie Forster at ang pamilya nito.

Noong nasa Pilipinas sina Jackie, minsan lang nito nakasama si Andre at silang dalawa lang ang nanood ng concert ni Bruno Mars. Wala ring post si Andre with his siblings from Jackie’s side. Hindi rin siya nakasama sa family photos nina Jackie and her family including her husband.

Samantalang si Kobe, puno ng pictures nina Jackie at mga kapatid ang IG nito at kasama pa ang husband ng ina. Ang sayang tingnan ng bonding nina Kobe with his siblings at pati sa family picture, join siya. Ang gandang tingnan ng pamilya ni Jackie at mas maganda pa kung kasama si Andre.

Anyway, mahaba pa ang oras at tiyak darating din ang tamang panahon na maaalis lahat ang tampo sa puso ni Andre at matatanggap ang ina, ang mga kapatid kay Jackie at ang husband nito. Sabi nga ng fans nila ni Kobe, isipin na lang ni Andre ang blessings na patuloy na dumarating sa kanya.

Oo nga naman, nasa Sunday Pinasaya siya, host ng The Clash at madalas mag-guest sa shows ng GMA 7. Dapat maging masaya na siya, kaya lang, hindi natin alam ang buong pangyayari, kaya ‘wag na tayong makialam.

Dapat pagsabihan fans ng aktres grabe na ang pambabastos sa ka-loveteam na nakahiwalayan

Dapat kausapin ng management ng network ang aktres na ito dahil sa hindi magandang ginagawa ng ilan nitong fans sa co-stars ng aktres na iniisip nilang nananakit at nagpapaiyak sa aktres.

Pati sa ka-love team ng aktres, galit ang ilan niyang fans dahil ang feeling nila, iniwan ng aktor ang aktres sa ere nang makipag-break. Kaya sa isang event na magkasama ang magka-love team, hindi pinapansin ng fans ng aktres ang aktor. Deadma sila kahit kinakausap sila ng aktor.

Ang the height, noong kumakanta ang aktor, bigla siyang tinalikuran ng fans ng aktres. Nakita ‘yun ng mga kasama ng aktor, pero dinedma na lang nito ang pambabastos ng fans. Kaya lang, paano kung uliting gawin ‘yun ng fans ng aktres at kung maapektuhan na ang trabaho ng magka-love team?

Kahit break na ang magka-love team, tuloy pa rin ang tambalan nila, magkasama pa rin sila sa shows ng network at may ginagawang pelikula. Nagpapaka-propesyonal ang magka-love team at sana gayahin sila ng kanilang fans.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with